Vanessa Lavender Smith (Queen) Unti unti kong binuksan ang aking mga mata ngunit agad din akong napapikit dahil sa sakit ng aking ulo. Dahan dahan ko muling binuksan ito at hinanap ang aking orasan, nakita kong ala- una na pala ng tanghali, mabuti na lang at walang pasok ngayon dahil kasama rin yun sa party kahapon. Marami akong nainum na alak ngunit mag maraming nainum sila Peitho at ang mga kaibigan ni King. Flashbacks “Talaga lang? 1+1 nga kung talaga?” nakangising sabi ni Aikka kay Peitho na naging dahilan para sumama ang muka nito. “2, tanga ka ba, Aiks?” tanong ni Peitho kay Aikka. “HAHAHA, O, hindi ba’t lasing ka na? 1+1 is 11!” sagot ni Aikka kay Peitho. Nakita ko namang napatampal sa noo si Axel at Liam dahil sa mga pinag sasasabi ng dalawa, mahahalata naman parehas na l

