Vanessa Lavender Smith (Queen) ‘He’s lucky with his friends and family,’ sabi ko sa aking isipan habang nakatingin sa kanila. Biglang pumasok sa aking isipan ang mga invitation na ipinadala ni Aikka sa akin. Hindi ko pa pala ito naiibigay sa kanila. Naiwanan ko ito sa sasakyan at kailangan ko muna itong ibigay bago ako mag paalam sa kanila kaya tumayo ako mula sa aking kinauuupuan at sa tingin ko ay naagaw ko ang kanilang atensyon dahil sa aking ginawa. “Aalis ka na agad, Vanessa?” tanong sa akin ni Henry. Umiling ako sa kanya, “May kukunin lang ako sa sasakyan.” “Gusto mo samahan kita?”tanong sa akin ni Kyro. “Hindi na kailangan, nandiyan lang naman sa labas ang sasakyan,” sagot ko sa kanya at nag umpisa nang mag lakad upang makuha ko na agad ang aking pakay. Wala naman na silang

