Hendrix Kyro William (King) “Maiwan ko na muna kayo, marami pa kasi akong tatapusin,” sabi ni Aikka sa akin bago ako tinapik sa aking likuran at umalis. Hinabol ko si Aikka ng tingin hanggang sa mawala na ito sa aking paningin, ibinalik ko ang tingin ko kay Vanessa na kasalukuyang nagbabasa ngayon ng hawak hawak niyang libro. Tumikhim ako bago ako pumasok sa kubo kung saan si Vanessa naroroon, inalis niya ang kanyang tingin sa libro at tiningnan ako gamit ang kanyang malamig na tingin. “Anong kailangan mo?” malamig niyang tanong sa akin. “Ikaw,” hindi ko mapigilang sabi at nakita ko namang wala itong epekto sa kanya kaya napailing na lang ako. ‘Kakaiba talaga,’ sabi ko sa aking sarili. “Maupo ka, kung gusto mo ng tsaa, mag timpla ka ng sa’yo,” malamig niyang sabi sa akin bago tumi

