Zane “Bakit hindi ka mag patulong kay Vanessa, Zane? Malay mo, maiblaik mo ba si Peitho sa’yo,” sabi pa ni Henry sa akin. Napatingin naman ako kay Vanessa, hindi ito nakatingin sa akin o kanino man. Nanatili lang itong nakatingin sa labas ng bintana dito sa opisina ni King. Seryoso ang kanyang muka at walang kahit na anong emosyong makikita dito. Aminin ko man o hindi, pero kagabi noong makita ko na mahulog ang kanyang salamin ay doon ko nakita ng kagandahan niya na itinatago ng suot suot niyang makapal na salamin. “Hoy, sabi ko mag patuloy ka kay Vanessa, hind titigan mo siya!” sigaw ni Henry sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin kay Vanessa at bumagsak ito kay King na seryoso ang muka na nakatingin sa akin. Napataas ako ng dalawa kong kamay, “Mali ang iniisip mo!” Imbis

