Vanessa Lavender Smith (Queen) Nagawa kong makarating sa bahay ng tama sa oras dahil nakasabay ko lang ang aking personal designer. Kahit na ayaw na ayaw ko ng ganitong mga bagay ay kailangan kong gawin, siguradong mag tatampo sa akin si Aikka sa oras na hindi ko sipotin ang amign personal designer dahil ang gagawin na gown kaya kami sinusukatan ay para sa kanyang birthday party na matagal na niyang pinaplano at kasalukuyang isinasaayos ni Hunter. “Queen, nandito ka na!” masayang sabi sa akin ni Aikka at ako ay sinalubong nito ng yakap. “Umayos ka nga, Aiks, magkakasama tayo kahapon ni Queen, okay?” pigil ni Peitho kay Aikka bago ito tumingin sa akin at ngumiti nang nakakaloko, “Ikaw, ha? Kaya pala hindi ka na umuwi dito kagabi, kasi doon ka na natulog sa tabi niya.” Tiningnan ko siy

