Vanessa Lavender Smith (Queen) “Mahalag ang auction na ito para sa matataas na tao sa lipunan,” sabi naman ng isang babae. “Sana mapansin ako ng isa sa mga taong matataas na ‘yan,” nangangarap na sabi ng isang babae. “Asa ka pa,” sagot naman ng isa. Yun na lang ang huli kong narinig dahil tuloyan na kaming nakalayo, nag tungo kami sa bandang unahan ng lugar upang mas madaling makita ang lahat ng mga taong nag pupunta. “Narinig mo ‘yon, Queen?” bulong sa akin ni Peitho. Tumango lang ako at hindi nag salita, narinig ko ito, rinig na rinig. “Hindi ko akalaing hindi lang pala ang aking pakay ang mawawala ngayong gabi,” mahina kong sabi habang nakatingin sa pinto kung saan nakita kong pumasok ang tunay na aking pakay, si Mayor Panuelos. “Pupunta na ako sa pwesto ko, Queen,” mahinang

