CHAPTER 50

1494 Words

Third Person Agad na nakita ni Peitho si King, dahil nag dala ito ng alak sa bisitang nasa katabing lamesa lang kung saan nakap’westo si King kasama ang mga kagroupo nito. “Si Liam lang ang wala,” mahinang sabi ni Peitho habang nag lalakad papalayo sa lamesa nila King. “Hahanapin ko si Liam,” sabi naman ni Aikka sa kabilang linya ngunit hindi ito sinang ayunan ni Axel. “Ako na ang bahala kay Liam, nasa kwarto siya ngayon nila King at kasalukuyang nag babantay ng system ng CCTV,” sabi ni Axel kay Aikka. “Okay, copy,” sagot naman ni Aikka. Ngumiti na ito ng matamis matapos makipag usap sa kanyang mga kagroupo. Nag lakad na si Aikka ngunit agad ding napatigil dahil naramdaman niya ang isang titig. Lumingon siya kung saan nag mumula ang pakiramdam niya na tila may nakatitig sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD