Hendrix Kyro William (King) Kasalukuyan kami ngayong naririto na sa undergroudn arena, nakaupo kami sa mga upunang nakalaan talaga para sa amin. Kanina pa kami nag hihintay ngunit walang kahit na sinong dumadating tulad ng sinabi sa announcement. “Baka fake naman yun, King?” tanong ni Henry habang nakatingin sa paligid. “Hindi ko alam, wala tayong kasiguradohan,” sabi ko kay Henry. Hindi naman na nagsalita pa si Henry at nag obserba na lang sa paligid kung may kakaiba bang nangyayare. Hindi maganda ang kutob ko sa araw na ito, tila ba may mangyayareng hindi maganda kaya naman imbis na isama si Lucky dahil wala itong kasama sa bahay, minabuti ko na lang na iwan ito at sinigrado ko na lang na kumpleto at maayos ang kanynag mga pangangailangn. “King, hindi kaya ito isang patibong?” ta

