Vanessa Lavender Smith (Queen) Habang nasa sasakyan ay naramdaman ko ang pag vibrate ng aking cell phone, kinuha ko naman ito sa aking bulsa at mabuti na lang ay hindi ito nahulog kanina habang natutulog ako. Binuksan ko ito at nakitang nag padala ng mensahe sa akin si Kyro. Tiningnan ko naman ito ng mabuti at binasa. ‘May nangyare ba? Bakit hanggang ngayon wala ka pa, darating ka naman hindi ba? Mag hihintay ako,’ basa ko sa mensahe ni Kyro gamit ang aking isipan. Muli kong pinatay ang aking cell phone at ibinalik ito sa aking bulsa nang hindi manlang nag rereply kay Kyro. Hindi naman na siguro kailangan pa dahil malapit naman na kami sa unibersidad. “7:15 na, siguradong nag sisimula na sila,” sabi ni Peitho habang nakatingin sa kanyang cell phone. “Hayaan mo na, mas okay na rin

