Hendrix Kyro William (King) “Bakit ganyan ang suot mo, Charlotte? Napaka- exaggerated, hahaha!” tumaatawang sabi ni Henry kay Charlotte. “Wala ka talagang kataste taste sa fashion, Henry,” nakangiting matamis na sabi ni Charlotte. “Total nandiyan na siya, umalis na tayo, kanina pa ako nagugutom,” sabi ko sa kanila saka ako tumayo. “King, hindi mo manlang ba ako babatiin?” nakangiting tanong ni Charlotte. “Maganda yung gown,” sabi ko at tumingin kay Vanessa. “Uupo ka na lang ba diyan, Nerd?” nakataas ang kilay na tanong ko kay Vanessa. “Nandito ka pala, Nerd?” maarteng tanong ni Charlotte kay Vanessa na mukang ngayon lang niya napansin pagkatapos ko itong tawagin. “Ang cheap naman ng suot mo,” nakangiwing sabi pa ni Charlotte kay Vanessa habang tinitingnan si Vanessa mula

