Hendrix Kyro William (King) Nag lakad na ang sales lady patungo sa cashier upang bayaran na namin ito doon. Pag katapos naming bayaran ang aming binili ay agad naman kaming lumabas ng boutique na iyon. Wala naman na kaming iba pang bibilhin, kaya nag dire- diretso lang kami ng aming pag lalakad. “Pasaan na tayo ngayon?” tanong ni Henry habang dala dala si Lucky. Tama, dinala ko talaga si Lucky dahil alam kung aabutin kami ng mag hapon na wala sa bahay. Kapag nangyare yun at naiwan siya sa bahay, siguradong malilipasan siya ng gutom kaya minabuti kong dalhin na lang muna siya. Nag presinta naman kanina si Henry na siya na lang ang bahalang mag dala kay Lucky kaya hinayaan ko na lang ito. “Sa bahay na ba tayo kakain?” tanong ni Luke. “Kumain na lang muna tayo bago natin dalhin yung mg

