Peitho ‘Ang saya mo ah?’ hindi ko maiwasnag sabi sa aking isipan habang nakatingin kay Axel na nakikipag usap kay Liam. Kung hindi lang lalaki si Liam at ito ay babae, baka inisip ko na na siya ang dahilan kaya nawala na ang pag tingin ni Axel kay Queen. Pero alam ko naman na iyon ay malabo, dahil unang una sa lahat ay parehas silang lalaki, pangalawa ay alam ni Axel na maaaring sa bandang huli ay kalaban namin ang groupong kasalukuyan namin ngayon, pangatlo ay hindi ko maimagine na nag kakagustohan ang dalawa dahil hindi naman sila mukang mga taong mag kakagusto sa kapwa nila lalaki, at ang panghuli… hindi p’wede! Iilan na nga lang ang mga gwapong single sa mundo tapos mag kakatuloyan pa ang dalawa? Nasaan naman ang hustisya sa bagay na iyon? “May problema ba?” tanong sa akin ni Axel k

