ThiRD Person Agad na napatakbo si Henry at Aikka patungo sa underground arena ngunit mabilis silang pinigilan ni Axel at Zane dahil masyado pa doong delikado. “Queen? Hello?” nag papanic na tanong pag tawag ni Peitho mula sa kanilang ginagamit upang makapag usap. “Yeah,”nabuhayan ng dugo sila Axel, Aikka at Peitho dahil narinig nila ang malamig at kalmadong responde ni Queen mula sa tanong ni Peitho. “Saan namin kayo aabangan? Iisa lang ba ang hindi n’yo nadiffuse?” diretsang tanong ni Peitho kay Queen. “Sa taas,” malamig na sagot ni Queen kaya sabay sabay na napatingin sila Aikka, Axel at Peitho sa itaas. Doon ay may apat na taong tumalon paibaba, nagawa nilang makalagpak sa lupa ng maayos at walang kahit na anong galos manlang. “Queen!” sigaw ni Aikka at sumugod dito at agad ito

