Third Person Habang masayang nag kwekwentohan ang mga tao sa lamesa nila King at Vanessa, si Zane naman ay nasa loob ng banyo at katatapos lang mag banyo. Lumabas na ito at may nakabangga na malaking lalaki, dahil sa labis na kalasingan ni Zane ay hindi na lang niya ito pinansin. Dahil doon, nakaramdam ng inis ang lalaking nabangga ni Zane at agad itong sumenyas sa kanyang mga kasamahan at agad naman itong nakuha ng mga kasamahan ng lalaki. Mabilis nilang hinawakan si Zane sa magkabilang braso, dinala at kinaladkad nila ito palabas ng Bar. Dumaan sila sa exit ng Bar kaya walang nakapansin sa kanila, nadala ng lalaki si Zane sa likuran ng bar ng walang kahirap hirap. At dahil sa may tama ng alak si Zane, tila nanlalambot ito at parang wala na sa wisyo, hindi na nito magawang tanggalin pa

