Third Person Tama, ang kanyang tunay na tema ay Halloween theme at alam ito ng personal designer niyang si Carla at napansin niya na mukang tinulongan ni Carla ang kanyang paboritong pamangkin na hindi mag mukang masyadong pormal maliban sa kasama nitong nakaball gown. “Naririto na pala ang napakagwapo at paborito kong pamangkin,” sabi ng Tita ni King sa mic kaya mas lalong nag tinginan ang mga bisita sa mga tao na tinutukan ng spot light. Nakaramdam naman ng hiya si King dahil sa ginagawa ng kanyang tita, habang si Charlotte anman ay unti unti ng kinukuhaan ng larawan ng mga bisita dahil sa suot nitong mala- prinsesa sa isang okasyon na ang tema ay tungkol sa katatakotan. “Hmm, mukang tinulongan kayo ni Carla na makalusot sa patibong ko, pamangkin, ah?” nakatawang sabi pa ng Tita ni

