Third Person Kinaumagahan ay agad na nag tungo sa paaralan si King, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pakiramdam niya ay may nais siyang makita ngunit hindi niya alam kung sino ba ito. Ngayong araw ay ang araw kung kailan niya sasamahan si Charlotte sa event ng ama nito sa Palawan at mamayang tanghali siya ay nakatakdang mag punta doon upang bago mag dilim ay makarating siya doon at masamahan si CXharlotte dahil ang event nmaan ng ama nito ay nakatakda sa ika-7 ng gabi mamaya. Nakaramdam ng inis si King, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganun ang kanyang nararadmaman. “King!” napatingin siya sa tumawag sa kanya at nakita niya doon si Luke at Liam na sabay na nag lalakad, tinawag pala siya ni Luke matapos mapansing nag iisang nag lalakad si King. “Agap mo nga

