Hendrix Kyro William (King) Hanggang ngayon ay wala pa rin akong imik matapos kong sabihin kay Luke na ako na ang mag sasakay kay Vanessa habang siya naman ang bahala kay Charlotte. Hanggang ngayon rin ay hindi ako makapaniwalang si Vanessa pala ang babaeng nakaeleganteng itim na gown. Bagay na bagay sa kanya ang kulay na ‘yon, lumabas ang kulay ng kanyang balat dahil sa itim na gown at naging mas matapang ang itsura nito dahil sa make up. “Baka matunaw,” napatingin ako kay Zane na bigla na lang bumulong sa akin ng ganun. Tiningnan ko ito ng masama bago inalis ang aking tingin dito at muling tumingin kay Vanessa. Nagulat naman ako at napalunok dahil pag tingin ko dito ay nakatingin na rin ito sa akin, agad akong nag iwas ng tingin at tumayo. “Sasalubongin ko muna si Charlotte,” p

