Vanessa Lavender Smith (Queen) “Bitawan mo ako, hindi naman ako tatakas, tsk,” sabi ni Jacob sa akin. Tiningnan ko ito, sinigurado kong wala itong hawak na baril bago ko ito bitawan. “Huwag kang mag tatangkang tumakas,” malamig kong banta sa kanya bago hinawakan ng mahigpit ang baril. Nag kibit balikat sa akin si Jacob at nag lakad patungo sa tabi ng bintana, sumilip siya doon bago tumingin sa akin at saka ngumisi. “Mukang nag- dilang angel ata ako, nag kasalisi ngayon ng hinahanap mo,” nakangising sabi nito sa akin. Agad akong nag lakad sa bintanang malapit sa akin at nakita ko ang isang limousine na ineescortan ng maraming sasakyan, sa paraan pa lang ng mag guguwardya dito ng ibang sasakyan ay mahahalata nang ang sakay nito ay ang Emperor. “Nasa likod, puntahan n’yo susunod ako

