Vanessa Lavender Smith (Queen) Nawala ang aking ngisi, agad na napakuyom ang aking kamao at saka ako dali daling bumangon. Tiningnan ko ang paligid. Alam kong hindi na ako makakapunta sa tagpuan naming dalawa ng ama ni Kyro, kaya naman ginawa ko na lang ang sa tingin ko ay tama. Hangga’t mayroong umaaligid sa akin, hangga’t laging nakadikit sa akin si Kyro ay hindi ko magagawa ang mga bagay na kailangan kong gawin, isa na ron ang hanapin si Butler Shun. Yes, tama nga. Alam ko at ramdam ko na hindi si Butler Shun ang bangkay na pinaglamayan sa bahay, alam kong hindi siya ang bangkay na kasamang sumabog na kanyang sinasakyan. Hindi bobo si Butler Shun, ngunit isang malaking tanong rin para sa akin ang dahilan para ito ay kanyang gawin? Gamum pa man, isasantabi ko muna ang aking mga ka

