Third Person “P’wede niyo ba silang dalhin sa pool side? Doon ko na lang kayo dadalhan ng inyong mamemeryenda,” pakisuyo ni Butler Shun kay Axel dahil alam niyang ang lalaki lang ang kanyang maasahan ngayon, base sa kanyang nakikitang kinikilios nila Peitho at Aikka sa mga kaibigan ni King. Tumayo na si Axel sa kanyang kinauupuan at naunang mag lakad. “Sumunod kayo sa kanya at dadalhin kayo niyan sa pool side, hintayin niyo na lang ako doon,” sabi ni Butler Shun sa groupo nila King. Tumango naman si King at naunang tumayo sa kanila, pag tayo ni King ay saka pa lang nag sitayuan sila Zane, Liam, Luke at si Henry na hindi pa rin tinitigilan ni Aikka ng masamang tingin. Nag lakad na ang mga ito at sumunod kay Axel ng tahimik. Hendrix Kyro William (King) Nakatingin lang ako sa paligid

