CHAPTER 18

1719 Words
ALLISTER’s POV: “Ang layo na nang narating mo dre.” Sabay akbay ni Roldan sa akin. Napatingin ako sa kanya saglit. Hindi ko rin pinansin ang pang-aasar niya. Ibinalik ko kay Kham ang tingin ko. Nakaupo kami hindi kalayuan sa kanya. Abala siya sa pagga-garden. Isa ito sa mga paborito niyang gawin. “Matagal-tagal mo na rin sinubukang kaibiganin siya pero, hindi umubra ang kagwapuhan mo, dre.” Tumawa pa ito at Tinapik-tapik ang balikat ko. Pinalis ko iyon at sinamaan siya ng tingin. “Siguro kaya aloof at laging galit si Kham dahil sa nangyari sa kanya.” Mahinang komento ko. “Alam na natin iyon, dre.” Sumeryoso si Roldan. Tumayo ako at nagsimulang maglakad kung nasaan si Khamala. Habang papalapit ako mas lalong lumilinaw ang ganda niya sa mga mata ko. Mission o Puso? Paalala ng sutil kong utak. Ipinilig ko ang aking ulo. Napakagat labi ako, at huminga ng malalim bago ako nagsalita. “Kham, tulungan na kita?” Huminto siya sa pagbungkal ng lupa pero hindi siya tumingin sa akin kaya umupo ako para magpantay ang mukha namin. “Kham?” Untag kong muli sa kanya. Nag-angat siya ng tingin. Nababanaag ko roon ang inis. Napakamot ako ng batok at alangang ngumiti sa kanya. Pero tinaasan niya ako ng kilay. “Hindi ko kailangan ng tulong, lalo pa kung galing sayo!” Malamig niyang sagot at Ibinalik ang atensyon niya sa kanyang ginagawa. “Tulong lang naman, Kham,” pangungulit ko sa kanya. “Allister, hindi ka naman siguro bulag, nakikita mo naman na kaya ko at hindi ko kailangan ng tulong. Manhid ka ba talaga at walang pakiramdam? Ayokong dumais ka sa akin, bakit ba ang kapal ng mukha mo? Ako nga ay iwas na iwas sayo! Dais ka nang dais!” Matapang ng bwelta sa akin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya hindi ko naintindihan. “Ano bang dumais? Salita ba iyon?” Inosente kong tanong. Inikutan niya lang ako ng mata at akmang susuntukin. “Ewan ko sayo!” Tumalikod na siya at lumipat ng pwesto papalayo sa akin. “Khamala didiligan ko ba itong bagong tanim mo? Para mabuhay agad.” Hindi ko na pinansin ang inis na lumatay sa magandang mukha niya. Pero hindi ako mapakali sa salitang ginamit niya hindi ko talaga maintindihan. Ano ba iyon sakit? “Kham ano nga iyong dumais? Nagpapahalik ka ba?” Natatawang tanong ko sa kanya. Agad siyang Napalingon sa akin at inangat ang gamit niyang pangbungkal ng lupa. “Anong halik na pinagsasabi mo ha?” Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin at inumang pa niya ang hawak nito. “Luh! Nagtatanong lang eh, hindi naman kasi salita iyong ganamit mo, wala naman iyon sa dictionary ah?” Lalong lumapad ang pilyong ngiti ko. Pulang-pula na rin ang mukha ni Khamala sa panunukso ko. “Ang kapal ng apog mo, Allister!” “Hindi naman ah, kinakain rin ba ang apog, kasi balita ko nginunguya iyon ng mga matatanda, yung kulay pula, ang pait nga iyon. Pero sila sarap na sarap. Nasubukan mo ba iyon Kham?” Kinindatan ko pa siya. Pero patuloy pa rin ang pag atras ko. “Argggh! Allister Lumayo ka sa akin! Hindi mo gets?” Pagtataboy niya sa akin at gusto ko ng bumunghalit ng tawa dahil parang kulay kamatis na ang mukha niya sa inis at galit. “Bakit ayaw mo kasi sagutin ang tanong ko? So, hindi nga ang salita iyon?” Paglilinaw ko sa kanya. “Bakit ko kailangan magpaliwanag aber?” Mataray niyang sagot. Pero hindi pa rin nababawasan ang inis sa magandang mukha niya. “Kham, naman ikaw ang gumamit ng dayuhang salita tapos hindi ko maunawaan syempre Magtatanong ako diba? Ano ba kasi iyon, kiss nga ba or mura?” Pamimilit ko sa kanya. “Hindi ko kailangan magpaliwanag, hanapin mo sa bwisit mong dictionary baka nandoon ang meaning? Para layas kana at perwisyo ko lang sa ginagawa ko!” Walang preno niyang sagot. Sabay talikod at pumunta sa faucet. Mabilis akong tumakbo at hinarang ko ang aking sarili doon. “Kung sinagot mo na lang kasi, ‘di aalis na ang gwapong bwisit na’to sa harapan mo.” Tinuro ko pa ang aking sarili at ngumisi sa kanya. “At sinong kutong lupa, engkanto at maligno ang nagsabing gwapo ka, Ali? Ganyan kana ba ka sobrang bilib sa sarili mo?” Parang musika sa mga pandinig ko ang pagtawag niya sa palayaw ko. Kahit mabingi ako sa lakas ng boses niya eh nasa harapan niya lang ako. “Pakiulit nga ang sinabi mo?” Para akong natulala bigla. “Bakit ko uulitin hindi ka naman bingi!” Dagdag pa niya na halos umikot na ang mata niya sa inis. “Hindi, ‘yong—” Hindi ko matuloy ang sasabihin ko at nakatitig lang ako sa kakaibang kulay ng mga mata niya. “Ah! Basta wala akong uulitin sa sinabi ko kasi dinig mo naman iyon! Tabi!” Sabay hawi sa akin nang ubod lakas at nawalan ang balanse. Napakapit ako sa braso niya at nahila ko siya. Sabay kaming bumagsak. Ngunit siya sa ibabaw ko at tumama ang mukha niya sa dibdib ko. s**t! Amoy na amoy ko ang mabangong niyang hininga ng tumingala siya sa akin at ilang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa baba ko. Napadako ang tingin ko sa mapupulang mga labi niya na bahagyang nakaawang. Pero ang tila maikling sandaling pantasya ko sa kanya at napalitan ng isang masakit at daing… “Aray!” Isang malakas na suntok ang tumama sa sikmura ko. Agad tumayo si Khamala at isang malakas na sipa sa binti ko ang ginawa niya. “Ang bastos mo!” Malakas niyang sigaw sa akin at tumalikod. Dahil sa sakit na naramdaman ko para akong pinanawan ng ulirat. “Dre! Sham!” Malakas na tawag ni Roldan sa akin sabay abot niya ng kamay para tulungan akong bumangon. Ramdam ko ang sakit ng likod. “Mabango ba siya?” Tanong ni Roldan sa akin ng makatayo ako. s**t ang sakit! Sinamaan ko siya ng tingin at binangga ang balikat niya ng hindi sumagot. Pakiramdam ko hinahabol ako sa lakas ng t***k ng puso ko. Ilang beses nag reply sa utak ko ang eksenang iyon… Hanggang sa sumapit na lang ang hapunan. Kahit hindi pa ako tinigilan ni Roldan kanina sa kakatukso hindi ko na lang siya pinansin. “Kinikilig kana ba?” Sabay dugsol sa balikat ko. Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya. Pero ang hinayupak ang lapad ng ngisi. Hindi ko na siya sinagot hanggang sa makarating kami sa dining room. Pagbukas ko ng pintuan, nakapila na ang mga ibang bata. Agad akong dumako sa dish rack at kinuha ang plato ko. “Parang wala si Khamala dre,” mahinang bulong ni Roldan sa akin. Nilibot ko ang aking mga mata sa pilihan ng pagkain, hanggang sa dumako ako sa mesa na pwesto namin. Tama nga, wala si Khamala. Agad kong ibinalik ang aking plato at malalaking hakbang ang ginawa ko. Kham saan ka ba? Gano’n ba katindi ang galit mo sa akin para hindi ka kumain? Wala sa loob kong tanong. Samut’-sari ang nasa isip ko pero hindi ko alam kung saan ko siya pupuntahan. Hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa quarter nila. Nang makarating ako doon, ilang segundo pa bago ako nagkalakas ng loob na kumatok ng marahan. Sapat lang na maririnig ni Khamala kung tama ang hinala kong nasa quarter niya lang siya. Nang makalipas ang ilang segundong walang sumagot, ipinihit ko ang seradura at sumilip lang ako ng kaunti. Sapat lang na makita ko ang kabuuan ng silid tulugan nila. Nang makita ko si Khamala sa pinaka dulo naka upo, yakap-yakap niya ang kanyang mga tuhod at nakapatong ang noo niya mga tuhod nito. Para piniga ang puso ko. Naguilty ako sa nangyari. Dahan-dahan kong inawang at pintuan. “Kham?” Tawag ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin. Nang magtama ang mga mata namin. Mugto iyon at namumula pati ang ilong niya. “I’m sorry?” hinging tawad ko. Pero pinaningkitan niya lang ako ng mga mata. Tinuyo niya ang mga luha niya. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa katapat na bunker bed niya. “Anong ginagawa mo rito?” Asik niyang tanong sa akin. Naumid ang dila ko. Napakamot ako ng aking batok dahil nahihiya ako. “Kakain na tayo.” Hindi ko pinansin ang galit niya. “Bakit nandito ba ang pagkain? Diba nandoon!” sigaw niya at itinuro pa niya ang direksyon ng dining room. “Sorry na, hindi ko naman kasi iyon sinasadya. Nawalan lang talaga ako ng balanse. Wala akong intensyong masama.” Mahabang paliwanag ko. “Umalis kana…” Matabang niyang pagtataboy sa akin. Pero hindi ako natinag. Magugutom siya kung hindi siya kakain. Concern Allister? “Kung ayaw mong kumain hindi na rin ako kakain. Fasting tayong dalawa.” Determinado kong sagot. Tinanggal ko rin ang tsinelas ko at humiga sa kung kaninong kama man itong hinigaan ko. “Arggggh!” Inis na inis niyang sigaw. Pero hindi ko siya kinausap. Pumikit na lang ako. Pero para akong aatakihin sa puso sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Ipinatong ko rin ang braso sa aking noo ko. Ipinapahiwatig ko hindi ako kakain ng hindi siya kasama. Mahabang sandaling katahimikan. Dinig ko ang malalim na buntong hininga ni Khamala. Dinig ko rin ang pagbaba niya sa kama. Binuksan ko ang kanan kong mata. Iniligpit ni Khamala ang higaan niya. Pinagpagpag niya ang damit nito. Pumikit ulit ako. Ramdam ko ang mga yabag niya pero hindi siya nagsasalita. Agad akong bumangon at sumunod sa kanya. Pero ilang hakbang lang ng tumigil siya at nilingon ako. “Akala ko ba hindi ka kakain?” Sarkastikong tanong niya. Napayuko ako. Ayaw niya talaga akong kasama at inis na inis siya sa presensya ko. “Alam kong galit ka, pero siyempre kakain pa rin ako. Paborito ko kaya ang ulam ngayon. Munggo at galunggong.” Sagot ko sa kanya. Kita kong napalunok siya. Paborito niya rin? Mabilis siyang tumakbo palabas. Pero hindi ko na siya sinundan. Hinayaan ko muna siya. Hanggang sa dinig ko ang pagbukas ng dining room. Bago ako sumunod. I'm sorry Khamala. Misyon kita at kahit kailan. Hindi kita susukuan…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD