Chapter 10: Outdoor Adventure Camps

2226 Words

Nang makarating kami sa lugar kung saan gaganapin ang outdoor adventure camp, ramdam ko ang excitement sa paligid. Ilang araw na namin itong pinaghandaan, at sa wakas, narito na kami. Agad kaming sinalubong ng malamig na simoy ng hangin mula sa mga puno at ang tahimik na kalikasan na tila ba iniimbita kami sa isang bagong karanasan. Ibinigay ng mga instructor ang mga gawain para sa araw. Ang unang hamon: magtayo ng tent. Hindi ko pa ito nagawa kahit kailan, kaya medyo kinakabahan ako. Habang iniinspeksyon ko ang mga poste at mga canvas na ibinigay sa amin, narinig ko si Ally na sumigaw mula sa likod, "Kaya natin ‘to, Elise! Game na!" Ngumiti ako sa kanya at sinimulan naming buuin ang aming tent. Mahirap sa umpisa, pero sa tulong ni Ally, nagawa namin itong itayo nang maayos. Para kaming

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD