Chapter 5: The Real Girlfriend

1741 Words
Nakatutuwang eksena na itong araw na ‘to para sa amin ni Ally. Habang nakatingin ako sa kanya na mahimbing pa ring natutulog, napaisip ako kung paano siya nagmistulang bata kahapon na nagtatakbo sa ulan na parang walang bukas. Grabe ‘tong tomboy na ‘to, parang laging may hinahabol, pero ang totoo, ako lang naman ang gusto niyang maabutan charot! Nag-decide na akong bumangon para simulan ang breakfast in bed kuno ko. Syempre, gusto ko ma-feel naman ni Ally na special siya sa unang araw namin bilang mag-syota. Kunwari sosyal, pero itlog at hotdog lang naman ang kaya kong iluto kung hindi lang ako broke, baka ipinagluto ko pa siya ng 5-star na almusal. Sinindi ko na ang kalan at inilagay ang hotdog sa kawali. Habang iniisip ko pa lang ang sasabihin ko sa kanyang "Good morning, mahal," napatingin ako sa cellphone ko at nawala na ako sa moment kakascroll ng t****k! Biglang nag-vibrate yung phone ko, may bagong notif at syempre, nadistract na naman ako. Napasarap ang scroll ko sa kung anu-anong videos, lalo na dun sa mga pranks at mga make-up transformation na akala mo ibang tao na. Nagising ako sa realidad nang maramdaman kong may naaamoy na sunog. Lumingon ako sa kawali at OMG! Yung hotdog, literal na kulay uling na, at yung itlog, mukhang eggnog na hindi natuloy. "Patay na! Ally, may nagawa na naman akong krimen sa kusina!" sigaw ko sa sarili ko habang iniisip kong paano ko to itatago kay Ally. Napalingon ako sa direksyon ni Ally na nagising na pala dahil sa amoy ng nasunog na pagkain. Nakangisi pa siya habang binuksan ang electric fan para maitaboy yung usok. "Grabe ka talaga, Elise, almusal pa lang, may drama na!" sabay tawa niya na parang walang bukas. "Sorry na, mahal! Maaga pa eh, tapos nagkalat agad ako," sagot ko habang sinusubukang itapon ang mga nasunog na hotdog sa trash bin. Pero bago ko pa maitapon, kinuha ni Ally yung isang uling na hotdog at tinapat pa sa mukha niya, kunwari kinakain niya. "Uy, ang sarap nito, ha! Breakfast ala-Ely!" sabay tawa ulit. "Eh, magluto ka na nga kaya!" ang naibato ko sa kanya habang pareho na kaming tawang-tawa. Dumiretso na siya sa kusina para ayusin yung kalat ko. In the end, natapos kaming kumain ng cup noodles at pandesal na bili sa kanto pero masarap naman dahil kasama ko siya. Minsan, hindi naman talaga importante kung perfect ang luto mo. Basta masaya kayo sa isa’t isa, kahit anong simpleng almusal, masarap na rin. Pagkatapos naming mag-breakfast ni Ally ng cup noodles at pandesal, naisip ko na gamitin ang oras na ‘to para mas lalo pang maging sweet sa kanya. Kasi naman, sino ba naman ang tatanggi sa isang quick shower bonding, ‘di ba? Kaya tinawag ko siya habang nagliligpit siya ng mga pinagkainan namin. "Ally, sabay na tayong maligo!" sabi ko na may malanding tono habang nakangiti nang todo. Akala ko ready na siyang mag-react na parang sa mga romantic movies. Pero si Ally, tumigil lang sa ginagawa niya, nilingon ako, at tumawa nang malakas. "Huy, Elise, seryoso ka ba? Umaga pa lang, may plano ka nang mag-aksaya ng tubig!" biro niya habang kunwaring ina-adjust ang imaginary salamin sa ilong niya. “Eh, akala ko ba makatipid tayo? May inflation pa naman!” “Hoy, hindi tayo magpa-plano ng negosyo sa banyo, ‘no! Gusto ko lang sabay tayo para mas... masaya!” sagot ko, sabay kindat na kunyari seductive, pero mukhang natatawa na rin ako sa sarili ko. Sumama si Ally na may halong kilig at kaba, pero nung nasa loob na kami ng banyo, ayan na, awkward mode on! Nakatitig lang kami sa shower na parang nanonood ng teleserye. Ako, napapakamot na sa ulo habang iniisip kung sino sa amin ang unang gagalaw. Nag-decide na akong buksan ang shower. Habang inaayos ko yung temperature, biglang bumuhos ang tubig—= hindi ko napansin na nasa pinakamalakas na setting pala! Napatalon si Ally dahil nabasa siya agad sa mukha at buhok. "Aray! Elise, ano ‘to, baha?!" sigaw niya habang parang isda na naglalangoy sa likod para umiwas sa buhos ng tubig. “Oops, sorry! Na-excite lang!” sabi ko habang tinatawanan siya. Tapos ako naman yung binuhusan niya ng shower head, hindi na lang ako naka-ilag. Pareho kaming basang-basa na, pero hindi kami tumigil sa kakatawa habang parang mga batang naglalaro sa ulan sa loob ng banyo. Habang nag-aagawan kami ng sabon na para bang precious gem, biglang nadulas si Ally—pero bago pa siya bumagsak, naitukod niya ang kamay niya sa wall, at sa sobrang lakas ng pagkakahawak, kumawala yung sabon at napunta sa bibig niya. "Ay pucha, toothpaste ba ‘to?!" ani niya habang umiikot ang mata na parang nagmumog ng sabon. "Ally, ano ka ba, bath soap yan, hindi dessert!" sabay kuha ko ng towel at tinulungan siyang magpunas habang hindi na namin mapigilan ang tawa. Pagkatapos ng kalokohan namin sa banyo, bumalik na kami ni Ally sa kwarto para magbihis. Tumatawa pa rin kami habang iniisip yung mga nangyari parang mga bata lang na naglaro sa ulan. Habang nagpupunas kami ng buhok, biglang natahimik si Ally. Napansin kong nakatingin siya sa akin, yung tingin na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano sisimulan. "Oh, bakit?" tanong ko habang sinusuklay ko ang basa kong buhok, pilit na tinatago ang ngiting gusto nang kumawala. "Ang ganda mo, Elise," sabi niya nang walang pag-aalinlangan, na para bang iyon lang ang naiisip niya sa buong sandaling iyon. Hindi ko napigilan, namula agad ang pisngi ko, at naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko. Yung tipong feeling ko, baka naririnig na niya. "Grabe ka naman, Ally. Basa lang ‘to," sabay ngiti ko na parang tinatago yung kilig. Pero hindi pa siya tapos, lumapit siya sa akin ng dahan-dahan, bawat hakbang niya ramdam ko, at bawat paghinga ko, parang nagiging mas mabigat dahil sa anticipation. Nang magkalapit na kami, inabot niya ang pisngi ko, hinaplos ng dahan-dahan, at tinitigan niya ako na parang ako na lang ang mundo niya. “Bakit ka ba ganyan, Ally...” nahihiya kong sabi, pero bago pa ako makapagsalita ulit, naramdaman ko na lang ang malambot niyang labi sa akin. Yung halik niya, hindi pilit, hindi nagmamadali. Ramdam ko yung init ng pagmamahal niya yung tipong kaya mong maramdaman na sincere, na bawat segundo ay may laman, bawat galaw ay may saysay. Napatikom ang mata ko at hinayaan na lang ang moment na iyon na parang nasa slow motion. Nang maghiwalay ang labi namin, nagkatinginan kami nang matagal, na parang may gustong sabihin pero hindi na kailangan ng salita. Alam ko na, at alam niya rin. “I love you, Elise,” bulong niya, malambing, pero may kasamang pwersa na parang walang makakapigil sa nararamdaman niya. “I love you too, Ally,” sagot ko habang nakangiti at sabay yakap sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit, yung parang ayaw na niya akong pakawalan, at ako naman, gusto ko lang manatili sa yakap niya. Sa oras na iyon, walang kahit anong awkwardness, walang iniisip na problema o anumang alalahanin. Kami lang dalawa, at ang tanging mahalaga ay ang nararamdaman namin sa isa’t isa. Minsan, hindi naman talaga kailangang maging perfect ang mga moments kailangan lang totoo, at sa oras na iyon, ramdam na ramdam ko kung gaano ako kamahal ng tomboy kong si Ally. Pagdating namin ni Ally sa school, magkahawak pa rin ang kamay namin. Pakiramdam ko noon, kaya kong harapin ang kahit ano basta kasama ko siya. Pero habang naglalakad kami sa corridor, napansin ko na agad ang mga tingin ng ibang estudyante. Parang bawat hakbang namin ay may kasamang bulong, bawat daan namin ay may nakatingin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang mga reaksyon nila, pero ramdam ko na parang may hindi tama. Naririnig ko ang mga boses nila, mga pabulong pero sapat para marinig ko: “Ayan na yung malandi, yung nang-agaw kay Ally…” “Grabe naman siya, si Monica pa talaga inagawan?” Kahit anong pilit kong mag-focus sa harapan, sa paglalakad na parang wala lang, hindi ko mapigilan ang sakit na kumakabog sa dibdib ko. Alam ko dapat masaya lang ako dahil kasama ko si Ally, pero ang bawat salita nilang parang kutsilyo, sumasaksak sa puso ko. Hindi ko na alam kung saan ako titingin para maiwasan ang mga mata at tsismis na sumusunod sa amin. "Hayaan mo sila, huwag mo silang pansinin," bulong ni Ally habang pinipisil ang kamay ko nang mas mahigpit. Ramdam ko ang init ng palad niya, parang gustong iparamdam na hindi niya ako bibitawan, na nasa likod ko siya kahit anong mangyari. "Okay lang, Ally," sagot ko, pilit na pinapatahan ang sarili. Pero hindi talaga okay. Hindi ko alam kung paano i-shut off ang boses sa isip ko, na parang may bumubulong na tama sila. Na ako nga ang mali, na hindi ako deserving maging masaya dahil baka totoo ang sinasabi nila na inagaw ko lang si Ally kay Monica. Naramdaman kong naglalaban ang luha sa mga mata ko. Pilit kong pinipigil, pero hindi ko na kaya. "Ally, bakit parang kasalanan ko na minahal kita?" mahinang tanong ko, pero naririnig ko ang pagbasag ng boses ko, na parang maliit na piraso na unti-unting nabibiyak. Hinila ako ni Ally sa isang sulok, malayo sa mga matang mapanghusga. Tiningnan niya ako, seryoso pero puno ng pagmamahal. “Elise, wala kang kasalanan. Ako ang pumili sa'yo. Wala kang inagaw, at lalong hindi ka malandi. Mahal kita, hindi dahil lang available ka, mahal kita kasi ikaw ang gusto ko, ikaw ang pinili ko.” Napapikit ako, at tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hinaplos ni Ally ang pisngi ko at pinahid ang mga luha. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya, alam kong nasasaktan din siya para sa akin. “Pasensya ka na, Elise, na idinadaan ka pa sa ganito. Pero tandaan mo, wala akong pakialam sa sasabihin nila. Ang mahalaga sa akin, ikaw.” Niyakap niya ako ng mahigpit, at sa yakap na iyon, parang naglaho ang lahat ng ingay sa paligid. Tumigil ang mundo, at sa isang saglit, kami lang dalawa ang nandiyan. Alam kong hindi pa matatapos ang mga bulong, alam kong mahirap pa ring harapin ang mga susunod na araw, pero alam ko ring hindi ako nag-iisa. Kahit anong sabihin nila, may isang taong mananatiling nandiyan para sa akin. At iyon ang mahalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD