ADVENTURE
Blaze's Point of View
KANINA pa kami naghihintay ni Crescent sa entrance ng film showing pero hanggang ngayon wala pa rin sila Apollo at Dylan. Si Apollo kasi nasa gym pa daw tapos si Dylan naman hindi pa rin tapos sa paglalaro ng basketball. Sanay naman kami ni Cres maghintay since kaming dalawa lang yung walang masyadong ginagawa sa grupo, sa library lang pag trip ganon.
Pero mahilig sa music instruments si Cres, kapag nasa mood siya. Kapag wala siya sa mood, gusto niyang mag hiking at iba pang mga outdoor activities na delikado. Yung mga activities na kapag sinabi ko kay Mommy ay siguradong papagalitan ako. Ganon ka-adventurous si Cres.
"Hoy Blaze." pagtawag naman sa 'kin ni Cres. Nilingon ko siya at inaasahan ko namang salubong na naman ang kilay niya. "Nasaan na daw yung dalawa? Mag s-start na 'yung film showing!"
"Malay ko? Hindi pa nga nag rerespond sa messages ko eh." sagot ko at hinarap sa kanya ang cellphone ko para maniwala siya.
Inarapan niya ako saka suminghap ng hangin. "Lagot na naman sila kay Ma'am Gin."
Pambihira naman kasi talaga 'yung dalawang 'yon, may mga times talagang parang nalilimutan nilang sa Catholic school sila nag-aaral. Mahigpit pa sa mahigpit. Kapag may nalabag ka, bibigyan ka ng detention or baka i-suspend ka pa. Yung mga cellphones nga namin pinapatago lang namin sa mga tindera sa canteen. Since elementary to the rescue na siya sa 'min kaya trusted na siya ng lahat.
"Blaze, bro!" rinig kong boses ni Apollo. Tumakbo siya papalapit sa 'min at cinover naman siya agad ni Cres. "Guess what, dude?! Daming chicks sa gym these days. 'Yung new girl from 9th grade, she was at the gym and she's so hot! Grabe kung naamoy mo lang-"
Umubo si Crescent. "Babae na naman. Alam mo Apollo? Wala talagang araw na hindi ka nagbanggit ng babae 'no? Manyak!"
"What? Anong manyak-"
"Hey guys," biglang sulpot ni Dylan. As usual madaming girls na nakasunod sa kanya.
Tinarayan na ni Cres 'yung mga babaeng nakasunod kay Dylan pero mukhang walang effect, wala paring balak umalis yung mga hot chicks. Nang pumasok na kami sa loob ay nakasunod pa rin sila sa 'min, kay Dylan pala. Grabe naman kasi 'yung charisma ni Dy, kahit ako mabibihag eh.
"Dylan, paalisin mo na nga 'yung mga 'yan. Naaalibadbaran ako eh." usal ng kanina pang iritado na si Crescent. Kunwari pa, eh ayaw niya lang namang may mas maganda sa kanya na naka paligid.
Plus, if I know may feelings din siya for Dylan. Dati ko pa napapansin 'yung mga pasimpleng tingin niya kay Dy kapag lunch break eh. Lagi ring galit kapag may nalapit na mga babae sa kanya kahit saan.
"I can't. I don't know how." kibit-balikat ni Dylan.
Ito kasing si Dylan, ayaw niyang maging harsh sa mga babae. Siya 'yung friendly type. Lumaki kasi si Dylan na puro babae ang nakapaligid sa kanya kaya naturuan siya how should girls be treated. Buti na nga lang wala pa siyang girlfriend ever since eh, kasi for sure kung meron araw-araw din silang mag bibreak dahil sa selos sa mga babaeng nakapaligid sa kanya.
Iritadong pumadyak sa sahig si Cres. "I can't take it anymore. Let's get out of here."
Tahimik na umalis sa upuan si Cres at sumunod naman kami palabas ng exit.
✿❀
"Cres, don't you think it's a little bit of scary?" sambit ko habang pinagmamasdan ang isang malaking cave.
Sandaling natigilan si Crescent. "I know, scary and exciting. I've never been here before, totoo nga 'yung sinasabi nila."
"Na alin?" ani Apollo habang sinisipa ang mga batong nadadaanan namin.
"Na mukhang may kababalaghang nagaganap sa cave na 'to. Sabi nila enchanted daw eh, nung una hindi ako naniwala. But witnessing how beautiful this cave is, I think I believe them already." sagot ni Cres at nagpaunang maglakad.
Sinundan lang namin si Cres kung saang side niya gustong pumunta. At habang palayo kami ng palayo, may kakaiba na kaming nararamdaman.
"Cres, are you sure about this?" tanong naman ni Dylan.
"Why? Are you scared?" natatawang tanong ni Crescent habang tinatap ang likod ni Dy. "Come on, Dylan. This cave is harmless. Besides, malay mo may makita tayong golds dito?"
Hindi na kami naka angal pa dahil mabilis na lumakad si Cres palayo at wala naman kaming choice kundi sundan siya. We can't just leave her alone here. While we're walking may napansin kaming mga kumikinang sa paligid. Natuon ang pansin ni Cres sa gold necklace, sobrang ganda nito.
"Cres, bitawan mo 'yan." natatakot na utos ni Dylan pero hindi siya pinansin ni Cres.
Nag simulang mag shake ang buong cave nang ibulsa ni Cres ang gintong kwintas pero wala siyang pakialam dito.
"Crescent, bring it back to its place!" dagdag ni Apollo at binigyan siya ng natatakot na ekspresyon ni Cres.
Tumakbo kami paalis pero dahil sa sobrang layo ng pinuntahan namin ay hindi namin mahanap ang daan palabas ng kweba.
"Cres, baka kapag binalik mo 'yung necklace tumigil na 'yung lindol!" sambit ni Dylan habang tumatakbo.
"No, I need this!"
"Kung kailangan mo ng ginto, bibigyan kita!" sagot ko pero hindi niya iyon pinansin.
Palakas ng palakas ang lindol at nag simulang magsi-bagsakan ang mga bato sa paligid. Nang mahanap namin ang daan palabas ay isa-isa kaming tumalon sa mga batong nakaharang sa daan. But when it's Crescent's turn to jump, it was too late. Nabagsakan siya ng bato dahilan para maipit siya rito.
We had no choice but to call our parents. Mom got mad and grounded me for one whole week. Habang sila Dy at Apollo naman ay binawasan ng allowance ng parents nila.
Dahil sa nangyaring insidente, Crescent wasn't able to go to school; she was still unconscious. For sure pag nagising siya pagbabawalan na siya ng Mommy niyang mag adventure. Although, may nadulot din namang maganda 'yung nangyari kay Cres, excempted siya sa exams. Kung alam ko lang edi sana nagpaiwan na rin ako sa cave para excempted din ako ngayon.
✿❀
Dylan's Point of View
"Hi Dylan!" pagbati sa 'kin ni Paisley at binigyan ako ng box ng cupcakes. "Those are strawberry-flavored cupcakes, sabi mo kasi mahilig ka sa strawberries eh."
"Ay oo, last week pa 'yon ah? Buti naalala mo." ngiti ko naman.
"Of course, Dylan. Lahat ata ng details about you alam ko eh." sagot niya na nginitian ko lang. "Buti naman walang nanggugulo sa 'yo ngayon?"
"Huh?"
She chuckled. "I'm talking about Crescent. Your friend."
"Ah si Cres, she's still unconscious. We're planning to visit her later after class. Do you want to come with us?" I replied.
"I would like to come with you, but we're planning to watch a movie rin kasi eh. Gusto mo sama ka na lang sa 'min?" sagot niya at napatingin naman ako kanila Apollo at Blaze na bigla akong tinaasan ng kilay.
I want to be nice and gentle with girls at all times, pero kasi hindi talaga pwedeng wala ako dun kapag bibisita sila Apollo at Blaze kay Cres. For sure itatanong ni Cres kay Tita Light kung sino-sinong bumisita sa kanya sa hospital. Mahihirapan akong suyuin si Crescent if ever.
"I'm sorry, Paisley. I would love to, but I really need to visit my friend. Sorry, next time nalang siguro. I'll call you." I answered, gentle and respectful.
"Oh lord," her friend whispered. "He's so kind naman. May twin kaya siya?"
Siniko ni Paisley ang friend niya saka bumaling sa 'kin. "It's fine, Dylan. I understand." sagot niya while smiling at me. "We'll go ahead."
Nang umalis na sila ay naglakad na rin kami paalis.
"Guys, mag cut kaya tayo ng class? Boring naman na eh." suggestion ni Blaze.
Bumuntong-hininga si Apollo at hinarap siya. "Bro, we can't. Nabawasan na nga yung allowance namin ni Dy eh. Kapag nalaman ng parents ko na nag cut ako ng class ngayon, for sure ipapadala na ako ng mga 'yon sa ibang lugar."
"Eh anong gagawin natin? Grounded kaya ako."
"We'll explain it to your mom, Blaze. Ako na bahala sa 'yo." sagot ni Apollo.
"Oo nga, for sure Tita will understa-"
Nagulat kami nang biglang may mahulog sa hagdanan. Walang pake ang ibang students dito at dinaanan lang siya.
Lumapit si Apollo sa babae. "Miss! Are you okay?!"
"Ang dumi na ng uniform mo," sabi naman ni Blaze. "Dylan, may tissue ka ba dyan? Can you help her get clean? May class pa, baka pagtawanan siya ng classmates niya kapag nakitang madumi yung uniform niya."
Hinanap ko ang tissue sa bag ko at lumapit sa kanya. Tinulungan ko siyang punasan ang dumi sa uniform niya at mukha namang hindi siya gaano nasaktan. Onti lang din yung sugat na tinamo niya and hindi ganon kalalim. She looked into my eyes at nahawa naman ako rito.
Her eyes are light brown, her lips are pinkish, and her nose is pointed. How can a high school student be this pretty kahit nahulog na sa hagdan? Her cheeks are blushing and it makes me sweat.
This is the first time I ever felt shy around a girl. Akala ko hindi na ako mahihiya around them because all my life, I spent every day with five girls in our house. So how can this be so awkward?
It's not just because of how pretty she is; there's something about her that I can't explain.
Something different. Something new.
"Okay kana ba?" tanong sa kanya ni Apollo at tumango naman siya.
"A-ah... I'm Blaze by the way," pagpapakilala niya sa dalaga but she looked confused. "Siya si Apollo, and ito naman si Dylan. Ikaw, anong name mo?"
Ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin niya ito sinasagot.
"Can we know your name?" ako naman ang nagtanong at napatingin siya sa 'kin. Ayon na naman, lumalakas na naman ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ba ako?
"Tiffany." she replied.
"Tiffany what?"
"Just Tiffany."
To be continued. . .