UNCOVERED
Tiffany cannot remember anything about her death or her past, except one thing. She knew that she was a South Korean food fan. She's in love with South Korean things such as their food, their music, and their fashion style. Although Tiffany doesn't have any resemblance to Korean looks, she still believes there's a possibility that she was born in South Korea.
Tiffany looked at the mirror beside her. She couldn't see herself. Napapikit siya sa inis dahil sa nakita. She would never feel like a human again. She's a freaking ghost, and she hates it.
Kahit na marami siyang kayang gawin, tulad ng; Possession, Telekinesis, Teleportation, Flight, and Shapeshifting. May iba pa siyang mga bagay na hindi magawa, at alam niyang kailangan niyang humanap ng paraan para matupad ang matagal niya nang inaasam.
Ang malaman kung paano at bakit siya namatay. In order to move on and see the light, she wants to properly say goodbye to the people she loved. And get revenge on the people who killed her.
✿❀
"TIFFANY, what are you doing here?" nagtatakang tanong ni Dylan sa kanya nang makita nitong nakaupo ito sa sala nila.
Nanlaki ang mata ni Tiffany, hindi niya inaasahang maagang magigising si Dylan kaya maaga siyang pumunta sa bahay nito para maaliw siya.
"A-ah kasi..." napakagat siya ng labi at nang sa wakas ay bigla niyang naisip ang tamang sagot para sa tanong na ito. "Naisip ko kasing magandang start ito ng friendship natin. Pupuntahan kita sa bahay mo every morning para hindi ka malungkot mag-isa."
Kunot-noong sumandal si Dylan sa sofa. "Bakit naman ako malulungkot? May mga kasama rin naman ako sa bahay–"
"Diba, your parents only comes home if may occasion? Nangyayari lang 'yon once in a blue moon." pagpapatuloy ni Tiffany sa pagpapalusot. "Also, your sisters won't be home for two weeks because they went to vacation na hindi ka kasama, right?"
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at marahang tinapik ang likod ni Dylan. "I understand your pain, Dylan. Kaya nandito ako para samahan ka,"
"W-what?" nilingon ni Dylan si Tiffany at bumaba naman ang tingin nito sa labi niya. Napapalunok na naglipat ng tingin si Dylan. "S-sige, let's hangout. Holiday naman kaya walang pasok ngayon."
Hindi makapaniwala si Tiffany sa narinig. Naniwala si Dylan? Gaano kaya kalaki brain cells non?
"Tiffany, don't get too close." namumulang ani Dylan. "D-do you want me to call Apollo and Blaze?"
Tumango si Tiffany at bumalik sa sofa. "Mas maganda siguro kung kasama sila. Tingin ko kasi medyo uncomfortable ka pa na tayo lang dalawa."
Nanlamig sa hiya si Dylan, hindi niya rin alam kung bakit ganon ang apekto nito sa kanya gayong kakakilala lang naman nilang dalawa.
"I'm sorry, hindi pa talaga ako sanay." he apologized.
"Hindi sanay? Puro girls ang mga kapatid mo, 'di ba?" kunwari'y nagtatakang-tanong ni Tiffany. Pero ang totoo, alam niya ang dahilan kung bakit. Hindi naman siya manhid 'no.
Napapalunok na tumango si Dylan. "P-paano mo pala nalaman lahat ng 'yan? Hindi ko natatandaang nakwento ko 'yan sa 'yo eh."
"Dahil sa mem–" natigilan si Tiffany nang marealize niyang hindi niya dapat 'yon sabihin. "Dahil sa ibang students sa school. Narinig ko kasing pinag-uusapan nila 'yung buhay mo sa hallway."
Mukha namang nakumbinsi ni Tiffany si Dylan sa sagot nito dahil hindi na nito inusisa pa ang sagot ni Tiffany.
Tinawagan ni Dylan ang dalawa pa nitong kaibigan upang samahan silang mag hangout dahil hindi pa ito komportableng kasama si Tiffany. At habang naghihintay sila ay hindi maiwasang magkatitigan ang dalawa.
Friends... Pinaulit-ulit 'yon ni Dylan sa isipan niya upang hindi na siya mag expect ng higit pa mula sa babaeng nasa harapan niya.
Kahit pa si Tiffany na ang pinaka magandang babaeng nakilala niya, kung hindi naman pwedeng mapasakanya ito ay hindi niya na pwedeng pilitin.
"Dylan, may gusto sana akong sabihin sa–"
Naputol ang kanilang pag-uusap nang biglang bumukas ang pintuan nila Dylan at iniluwa nito ang dalawa nitong kaibigan na may dalang mga pagkain.
"Dylan, bro, ayos ka rin 'no? Nagdadala kana pala ng chicks sa bahay ngayon?" pagbibiro ni Apollo at lalong nanghiya si Dylan.
Nginitian ni Tiffany ang mga ito. "Hello, kumain ba kayo bago pumunta rito? Baka naman inistorbo ni Dylan ang tulog niyo ah?" paninigurado ni Tiffany at namula naman ang mga ito.
"Ang ganda mo pala 'no?" sambit ni Blaze habang sinusuri ang mukha ng dalaga. "May lahi ka ba? Mukha kang taga western eh. Buti fluent ka sa tagalog?"
Hinarang ni Dylan ang kanyang kamay sa pagitan ng mukha ng dalawa.
"Actually hindi ko rin alam," malungkot na sagot ni Tiffany.
"Paanong hindi mo alam?"
Hindi nakasagot ang dalaga.
"Tiffany, are you alright?" mahinang tanong ni Dylan sa tabi nito at marahan naman siyang tumango. "Tara, naayos na ata ni Apollo 'yung mga pagkain sa taas."
✿❀
"Tiffany, bakit hindi ka kumakain? Niluto ko nga 'yan para sa 'yo eh." nagtatakang tanong ni Apollo saka humigop ng sabaw ng niluto niyang sinigang. "Hindi ka ba nakain nito? Bawal ka sa pork?" sunod-sunod nitong tanong at umiling naman ang dalaga.
"Busog pa kasi ako eh." pag sisinungaling nito.
Nakumbinsi naman niya ang mga kasama at hinayaan na lamang siyang manood habang sila'y kumakain. Napakagat na lamang siya sa ibabang labi. Ang totoo'y gustuhin niya mang tikman ang luto ng kaibigan ay hindi niya rin ito malalasahan. Dahil isa na siyang ganap na kaluluwa, maraming mga bagay na ginagawa ng mga tao sa pang araw-araw ang hindi niya na kayang gawin. Kabilang na rito ang kumain at matulog.
Nang matapos kumain ang mga kaibigan ay umupo muna sila sa sofa at nanood ng mga pelikula upang maaliw saglit habang naliligo ang kanilang kaibigan na si Dylan.
"Tiff," pagtawag ni Apollo sa dalaga na ipinagtaka naman nito. "Oh, can I call you Tiff?"
Marahang tumango ang dalaga. "O-oo naman,"
"Kilala mo na ako 'di ba?" He reassured, and Tiffany nodded her head.
"Apollo Villa Gomez, tama?"
"Come on, you don't have to be so formal. You can't just go around and call me by my full name." He joked, and Tiffany looked confused. "Just call me Paul. Only my close friends are allowed to call me that. Since you're part of our group already, you can call me by that name too."
Pinaningkitan siya ng mata ni Blaze. "Part of our what?"
"Group,"
"Baliw ka na ba? Since when did this woman become part of our group?"
Ilang minutong napuno ng bangayan ng dalawa ang buong bahay ng kaibigan nilang si Dylan. Nang matapos mag shower si Dylan ay kaagad naman itong umawat sa dalawa habang si Tiffany naman ay nagtataka silang pinapanood lamang.
"I'm a hundred percent sure Crescent wouldn't like this idea. We barely even know her!" asik naman ni Blaze saka sinamaan ng tingin si Tiffany. "What is she even doing here with us?"
"Blaze, tama na." pag-aawat pa rin ni Dylan.
Hindi na nakasagot pa si Apollo nang biglang tumayo si Tiffany mula sa pagkakaupo sa sofa. Tumango siya kay Dylan saka nito tinahak ang daan palabas ng bahay.
Sandaling binalot ng katahimikan ang buong bahay na kaagad binasag ng binatang si Dylan.
"I'm sure you've hurt her feelings."
"That's not my problem." pagmamatigas ni Blaze.
"Ano bang problema mo?"
Naghahamon ang tono ni Apollo na para bang readyng-ready nang bangasin ang mukha ng kaibigan. Sumama ang tingin ni Blaze sa kanya.
"You know, we don't accept anyone else in our group! Lalo pa ngayon that Crescent's still not awake. If she finds out we're clinging onto someone else, she'll get mad at us!"
Hindi nakasagot ang dalawa. Alam nilang tama si Blaze. Hindi masama ang matalik nilang kaibigan na si Crescent ngunit hindi rin ito mabait. Si Crescent din ang pinaka mahirap amuhin sa kanilang mag kakaibigan. Halos lahat ng nakakaaway nila ay dahil sa kamalditahan ng kaibigan nilang si Crescent, at hindi malabong magalit ito kay Tiffany kapag nalaman niyang dumidikit ito sa kanyang mga kaibigan.
"Crescent is not here, Blaze. I'm not saying that we should forget her, but we need to at least appreciate the people who are here with us right now. We shouldn't bore ourselves crying because our friend's acting like a Disney princess," Dylan replied.
His friends went silent, but not because of what Dylan had said. But because the girl they're talking about is still inside the house, holding a phone in her left hand while her right hand is inside her pocket.
"Do you guys want to grab some pizza?"
✿❀
"You're still not eating." usal ni Apollo.
"I-I lost my appetite." she lied again.
Tumingin si Tiffany sa bintana ng fast food restaurant sa tapat ng kanilang school. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya sa restaurant na ito noong nabubuhay pa siya ngunit may kakaibang pakiramdam itong dinudulot sa kanya. Pakiramdam niya'y napaka rami niyang mga alalaang naiwan sa lugar na ito.
"Nung tinanong kita kanina kung may lahi kang western, sabi mo hindi mo alam." pagsisimula ni Blaze ng tanong sa dalaga. Kumagat siya sa pizza saka ito nginuya. "What do you mean by that?"
Pilit na ngiti ang iginawad dito ni Tiffany. "I don't know who my parents are."
"So, you're adopted?" Dylan asked her, full of curiosity in his tone.
"Sort of,"
"That's sad. I couldn't imagine myself living my life without my parents." sagot naman ni Apollo saka uminom ng beer. "Gusto mo?" inalok niya si Dylan ngunit tinanggihan siya nito.
Nagpatuloy silang kumain at pagkatapos naman ay naglaro sila ng video games sa bahay nila Dylan hanggang sa lumubog na ang araw.
"Dy, uuwi na ako." pag papaalam ni Blaze at tinanguan naman siya ng kaibigan.
"Hatid mo na si Tiffany sa may tapat ng Solene's Hotel, doon daw siya matutulog sa bahay ng kaibigan niya." utos sa kanya ni Dylan.
"Huh? Bat ako? Si Apollo pala?"
"Mag sisleep-over daw si Paul dito eh, ikaw na lang maghatid tutal madadaanan mo naman."
Hindi na nakatanggi si Blaze saka napipilitang inangkas sa motor si Tiffany. Habang nasa byahe ay hindi niya maiwasang sulyapan sa side mirror ang dalaga. "Si Cres pa lang nasasakay ko sa motor na 'to. Hindi ko pinangarap mag sakay ng ibang babae, pero sinira mo ang lahat."
Hindi sumagot ang dalaga na ikinapag-alala ni Blaze. "Tiffany?"
"Just keep driving."
"You're boring, alam mo ba 'yon? If Cres was the one with me right now, she would scream and sing a song while I was driving. She'll do those things just to annoy me." he bragged about his "friend" sleeping beauty.
Tiffany cursed her in her mind. There's not even a minute where the girl's name isn't mentioned. She's starting to get tired of it already.
As soon as they arrived at the hotel, Tiffany got down as quickly as she could.
She faked a smile. "Thank you."
"Thank you?" Blaze smirked. "That's all you got to say? Thank you? It took me twenty minutes to drive you here. Let you ride my Ducati motorcycle, and that's all you got to say?"
"Thank you for the ride, Mr. Harris. I didn't enjoy the ride. Hearing your stupid thoughts was very tiring, and I don't like the color of your motorcycle." Tiffany replied, frankly. She left him shocked and entered the hotel.
"What's wrong with red?"
To be continued. . .