KAI'S POV Sumasakit ngayon ang ulo ko sa kakaisip kung sino ang babaeng kasama ni Alec kung gayon na ako si Kate. Nakita ko ang paggalaw ng door knob kaya tumigil ako sa kakaisip at humiga sa kama sabay nagtulog-tulugan. Sigurado akong bumalik na si William galing sa hospital. "Sabi nila hindi ka raw lumalabas sa kwarto at hindi ka rin daw kumakain?" Tanong nito pero nanatili akong nagtutulog-tulugan. "Here's your food. I know you're awake, so get up and eat." Hindi ko parin ito pinansin. "Are you sick?" Tanong ulit nito pero hindi ko siya sinagot. Naramdaman kong hinawakan nito ang ang noo ko kaya winaksi ko ang kamay niya mula rito. "Don't be like this, Kai. You're making me worried." "Kung ayaw mo akong makitang ganito hayaan mo akong umalis sa islang 'to." "I can't do that."

