THIRD PERSON'S POV
Huminto ang itim na van sa harapan ng babae sabay pinagbuksan nila ito ng pinto.
Pagkasakay ng babae sa loob ng van ay binigyan ito ng anesthesia pills. Alam ng babae na patutulugin siya ng pills na 'to pero hindi na 'to umangal pa at iniinom niya nalang dahil noong unang umalis ito sa black house ay ganito rin ang ginawa sa kanya na para bang ayaw ipaalam ng mga ito ang daan papunta roon.
Nang makatulog na ang babae ay iniscan naman ang kanyang kanang bahagi ng leeg na kung saan nakalagay ang invisible code nito na makikita lamang sa pamamagitan ng isang laser scanner.
"C225 confirmed. Tara na." Sabi ng armadong lalaki sa kasama nitong driver kaya naman pinaandar na nito ang van.
Alam ng driver na bihira lang ang dumadaang kotse sa highway na tinatahak nila ngayon kaya naman naghinala na 'to na sinusundan sila dahil kanina niya pa napapansin ang pulang kotse na pareho ang dinadaanan katulad ng sa kanila. Isa pa sa tuwing humihinto siya ay humihinto rin ang pulang kotse. Sa tuwing liliko siya ay lumiliko rin ang pulang kotse. Sa tuwing bibilisan niya ang patakbo niya ay bumibilis rin ang takbo ng pulang kotse.
"Pre, sa tingin ko sinusundan tayo ng pulang kotse. Kanina pa nakasunod sa'tin yan." Sabi ng driver ng itim na van.
"Bilisan mo tapos sa tuwing may makita kang lilikuan, lumiko ka. Kapag sumunod pa yan sigurado ngang sinusundan tayo niyan." Paninigurado nito.
Pagkatapos ng maingat na pagliku-liko nila ng maraming beses para iligaw ang pulang kotse ay napansin parin nila na sumusunod ito sa kanila.
"Sinusundan nga tayo, pre." Sabi ng driver.
"Ayun may traffic light. Bilisan mo para umabot tayo bago magpula. Pagkakataon na natin 'to para matakasan siya." Sabi ng armadong lalaki.
Agad namang binilisan ng driver ang pagpatakbo ng sasakyan at matagumpay itong nakalagpas sa traffic light bago ito pumula.
May tumawag sa armadaong lalaki kaya mabilis niya itong sinagot.
《On the Phone》
Boss: "Ang sabi ni Rocky hindi pa kayo nakakarating sa resort. May problema ba?" Mainit na ulong sabi ng Boss nila.
Armadong lalaki: "Boss, madedelay ang pagdating namin sa black house. May nakabuntot kasi samin kanina kaya niligaw pa muna namin." Sumbong nito sa Boss niya.
Boss: "Paniguradong isa yan sa mga galamay ni Castellano. Matinik ang mga yan kaya siguraduhin niyong hindi kayo masusundan niyan sa black house island dahil kung hindi alam niyo na ang mangyayari sa inyo." Pagbabanta nito sa sarili niyang mga tauhan.
Armadong lalaki: "S-si Mr. Castellano, boss?" Siya ba ang purchaser ni C225, boss?" Nauutal na pag-usisa nito ng marinig ang pangalan ni Alec.
Walang malalim na relasyon ang mga ito sa Boss nila kaya naman hindi lahat ng kilos at galaw ng Boss nila ay alam nila. Ang tanging silbi lang ng mga 'to sa Boss nila ay kapag inaatasan sila.
Boss: "Hindi ba't ayokong inuusisa ako? Gawin niyo nalang ang trabaho niyo." Galit ng sabi ng boss nila.
Armadong lalaki: "Pasensya na, boss. Wag kang mag-alala, boss, mukhang hindi na kami nahabol ng pulang kotse na sumusunod samin kanina." Sabi nito habang palinga-linga sa kalsada.
Boss: "Wag kayong pakampante. Alam niyo naman kung paano magtrabaho ang mga galamay ni Castellano, hindi katulad niyong tatanga-tanga." Insulto nito sa mga tauhan niya sabay baba ng tawag nito.
~~~
GINO'S POV
Nang maihatid ko na si Miss Kate sa sinasabi nitong meeting place na kung saan susunduin siya ng empleyado ng sinasabi niyang black house ay hindi pa ako umuwi kaagad. Ang alam ni Miss Kate ay uuwi na ako dahil yan ang paalam ko sa kanya pero sekreto ko siyang minamanmanan ngayon mula sa malayo katulad ng bilin sa'kin ni Boss A.
Ang bilin kasi sa'kin ni Boss A ay sundan ko si Miss Kate hanggang sa sinasabi nitong black house para matukoy namin ang lokasyon nito. Para kasing may mali sa black house na 'to dahil hindi namin matukoy ang lokasyon nito kahit halos galugadin na namin ang buong kamaynilaan at karatig lugar nito para lang mahanap 'to.
Mula sa malayo ay tanaw ko ang itim na van na huminto sa harapan ni Miss Kate. Hinihintay kong may bumaba sa itim na van pero wala, bagkus ay bumukas lamang ang pinto nito at sumakay na doon si Miss Kate.
Matagal pa bago umalis ang itim na van pero Nang umalis na ang itim na van ay agad ko ring pinatakbo ang kotse ko para sundan 'to. Nilayuan ko ang distansya ko para hindi naman masyadong halata.
Patuloy ang pagsunod ko rito hanggang sa dumaan kami ng highway na wala ng masyadong sasakyang dumadaan.
Bumilis ang takbo ng itim na van at naging maingat ang bawat pagliko nito. Sa tingin ko ay nakatunog na sila na sinusundan ko sila pero hindi naman ako nag-aalala na baka makilala ni Miss Kate na ako ang sumusunod sa kanila dahil bukod sa automatic kong pinalitan ang plate number ko kanina ay automatic ring nagko-color changing 'tong sasakyan ko.
Kanina nung hinatid ko si Miss Kate ay kulay itim 'to pero pinalitan ko rin kaaagad ng kulay red habang minamanmanan ko siya kanina.
Actually lahat ng sasakyan ng blue aces kasama na ang kina Boss A, Boss Damon, Boss Draco, at Boss Boris ay automatic na nagko-color changing rin at automatic na nakakapagpalit rin ng plate number. Sobrang laking tulong nito sa mga mission namin.
Salamat sa makabagong teknolohiya at kay Boss Draco dahil siya ang nagimbento nito sa mga sasakyan namin. Bukod pa dito ay sobrang dali lang namin magagawa ang pagpapalit-palit na hindi nahihirapan dahil nagdevelop rin ng isang application si Boss Draco na ininstalled namin sa mga cellphone namin para dito na kami magpipipindot dahil konektado ang apps sa sasakyan namin. Saludo talaga ako kay Boss Draco pagdating sa mga ganito.
"Badtrip!" Bigla akong napamura at napahampas sa manubela nang biglang pumula ang traffic light habang ang itim na van ay nakalagpas na dito.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa itim na van hanggang sa tuluyan na 'tong naglaho sa paningin ko.
Habang hinihintay kong magberde ang traffic light ay naisipan kong tawagan si Boss A para balitaan siya. Sinuot ko ang aking bluetooth earphones sabay dinial ko ang number niya.
《On the Phone》
Alec: "Speak." Sabi ni Boss A sa maawtoridad niyang boses pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag ko.
Gino: "Boss A, nawala sa paningin ko sila Miss Kate dahil sa traffic light. Hindi ko sure kung mahahanap ko pa sila at mukhang nakatunog na binubuntutan ko sila, Boss A. Itutuloy ko ba ang pagsunod sa kanila, Boss A?" Paniniguradong tanong ko sa kanya.
Alec: "Just keep tailing her." May sasabihin pa dapat ako pero binaba na agad ni Boss A ang tawag.
~~~
Hindi ko na tinawagang muli si Boss A dahil alam ko namang busy siyang tao. Kailangan kong mahanap ang itim na van para matuloy ko ang pagbuntot dito. Mamaya ko nalang ipagpatuloy ang pagrereport ko kay Boss A sa pag-uwi ko.
Nang bumerde na ang traffic light ay kaagad kong pinatakbo sa full speed ang sasakyan ko para mahabol ko pa sila habang pinapalitan ulit ang plate number at kulay ng sasakyan ko. Iniliko ko ang sasakyan kung saan nawala sa paningin ko ang itim na van kanina.
Lahat ng itim na van na nakikita at nadadaanan ko ay tinitingnan ko ang plate number dahil kabisado ko ang plate number nung van na sinasakyan ni Miss Kate.
"Ayun!" Sambit ko sa aking sarili nang maaninag ko ang itim na van. Sobrang layo na nito sa'kin pero nakaya pang abutin ng vision ko.
Nasa kabilang highway ang itim na van kaya naman mabilis akong nag u-turn. Sa tingin ko batangas or tagaytay ang destinasyon nitong itim na van.
Pagkatapos ng ilang oras na pagsunod ko sa kanila ay nakarating na ako ng batangas. Malayo parin ang distansya ko sa kanila pero sapat lang ang layo para matanaw ko parin sila kahit papano.
"Beach resort?" Takang tanong ko sa aking sarili nang pumasok ang itim na van sa isang private beach resort.
Ang iniexpect ko ay isang hospital ang destinasyon nila Miss Kate dahil ang sabi daw ay may health check ito pero mali pala ako.
Alam kong impossibleng makapasok ako rito dahil nga private 'to kaya naman nag-isip ako ng plano bago ko bahagyang pinaandar ang sasakyan ko para tumungo sa entrance pero malayo pa ako sa entrance ay hininto ko kaagad ang sasakyan dahil natanaw ko na ang mga cctv na nakakabit doon.
Umatras ako ng mga ilang metro para siguraduhing hindi ako mahahagip ng rotating cctv sa entrance bago ko ulit hininto ang sasakyan ko. Tiningnan ko muna ang paligid kung may iba pa bang cctv sa hinihintuan ko ngayon pero mabuti naman at wala na tapos ay perpekto pa 'tong spot ko para sa pinaplano ko dahil medyo liblib.
Bumusina ako ng sapat lang ang tunog para kuhanin ang atensyon ng kaisa-isang armadong lalaki na nagbabantay sa entrance at para lumapit rin ito sa pinaroroonan ko. Nang maaninag niya ang sasakyan ko ay hindi na ito nagdalawang isip na puntahan ako.
Maangas niyang kinatok ang bintana ng sasakyan. "Pass code?" Tanong nito pagkababa na pagkababa ko ng bintana ng sasakyan.
"Para saan yan, boss?" Ito ang unang beses na nakaencounter ako ng beach resort na naghahanap ng code.
I smell something fishy. Mukhang may kababalaghan sa loob kaya kailangan ko talagang makapasok dahil baka kung ano ang gawin nila kay Miss Kate.
Mukhang pinagdududahan na niya ako kaya kailangan kong makapag-isip ng palusot dahil hindi naman ako pwedeng magbigay nalang ng random pass code at baka mabulilyaso pa ako.
Sanay ako sa ganitong klaseng pamamalakad sa underworld kaya kung tama ang hula ko na isang crime organization rin ang mga 'to sigurado akong lahat ng tauhan nila dito ay may mga kanya-kanyang code kabilang na 'tong lalaking 'to at alam kong kabisado nila ang code ng bawat isa at kilala nila ang bawat isa kaya hindi ko pwedeng maging palusot na kasamahan nila ako. Hindi ko rin pwedeng maging palusot na bagong recruit lang ako kasi sigurado akong iniinform sila kung may bago man so malalaman niya na nagsisinungaling lang ako.
Kung hindi ka naman nila tauhan o kasamahan sa organisasyon tapos ay may transaksyon ka lang sa kanila ay madalas bibigyan ka nila ng code para makapasok ka sa teritoryo nila at sigurado akong may listahan ang lalaking 'to ng mga pangalan ng may transaksyon sa kanila kalakip nun ang code nito. Hindi basta-basta ang code lalo na kung nasa underworld ka kaya hindi ako pwedeng basta lang magbigay ng random code dahil mabubulilyaso ako kapag hindi niya mahanap sa listahan ang ibibigay ko.
So ang naisip kong safest palusot ay naligaw para hindi siya maghinala kasi bukod sa malayo sa highway ang lugar na 'to, tagong-tago pa at maraming pasikot-sikot kaya hindi mo 'to basta-basta mahahanap kung walang guide.
In my case nahanap ko 'tong lugar na 'to dahil sinundan ko ang itim na van at hindi ko naman pwede yan sabihin na sumunod ako sa van kasi maaalerto sila. So mas safe ang salitang 'naligaw' kaysa sa ibang palusot.
"Pasensya na, boss, hindi ko alam ang sinasabi mong code kasi naghahanap lang ako ngayon ng magandang beach resort na mapagbabakasyonan at naligaw ako dito sa beach resort niyo kaya baka tadhana na ang nagdala sa'kin dito para dito na ako mag-unwind." Kamot-ulo kong pangbobola sa kanya pero tiningnan lang ako nito ng masama.
"Kanina pa kasi ako pasikot-sikot, boss, at hapon na rin kaya nakapagdesisyon na akong dito na magbakasyon. Five days vacation, boss. Mukhang nakakarelax kasi ang ambiance dito. Wag kang mag-alala, boss, magbabayad ako kahit magkano." Dagdag kong dahil lumikot ang mga mata niya na parang ginagalugad niya ang loob ng sasakyan ko.
Hindi niya ako sinagot bagkus ay itinuro niya lang ang signage na may nakalagay na "PRIVATE PROPERTY. NO UNAUTHORIZED ENTRY" na nabasa ko namana kanina pa kaya ko nga nalaman na private beach resort 'to.
"Hindi kami tumatanggap ng customer kaya alis na." Maangas na taboy nito sa'kin sabay hinawakan niya ang armas niya na para bang tinatakot niya ako.
"Pasensya na, boss, hindi ko nakita. Aalis na ako, boss, pero pwede pa-check muna ng gulong ko kung flat? May nadaanan kasi ako kanina at narinig kong may pumutok. Baka gulong ko yun. Pasuyo lang, boss." Pagsisinungaling ko sa kanya para maisagawa ko na ang plano ko.
"Pagkatapos nito umalis ka na kung gusto mo pang makalabas dito." Kunot noo itong napipilitang yumuko para tingnan ang gulong ko kaya naman oras na para sa plano ko.
Nasa pinto na siya na nasa driver's seat kaya naman bago pa man niya iaangat ang ulo niya ay mabilis ko ng malakas na binuksan ang pinto ng sasakyan ko kaya naman tumilapon siya.
Nakadapa siya habang hawak ang ulo niya na iniinda ang sakit sabay kinakapa niya ang baril niyang tumilapon rin pero bago pa man niya maabot yun ay inunahan ko na siyang kunin 'to sabay malakas kong hinampas 'to sa likod ng ulo niya dahilan para mawalan 'to ng malay.
Tinanggal ko ang mga gamit at kasuotan nito hanggang sa sando at boxer shorts niya nalang ang natira sa kanya. Kung ano ang porma niya kanina ay siya ring porma ko ngayon dahil magpapanggap akong siya para makapasok sa loob. Sakto ay kasing-katawan at kasing-tangkad ko naman 'to tapos may cap pa siyang suot kaya maitatago ko rin ang mukha ko.
Nilagay ko ang mga kamay niya sa likuran niya sabay tinali ko yun ng mahigpit. Pati ang mga paa niya ay itinali ko rin sabay binusalan ang bibig niya. May nakita ako ditong basurahan na human-size kaya naman naisipan kong dito muna siya itago.
"Pasensya na, boss, trabaho lang." Kausap ko sa kanya sabay latag ng panyong may chloroform sa pagmumukha niya para mahilo ulit siya paggising na paggising niya.
"Wag kang mag-alala, boss, babalikan kita agad." Dagdag ko pa sabay sarado ng takip ng basurahan.
Dumirecho akong pumasok sa loob at nag-ikot-ikot para alamin kung anong meron sa beach resort na 'to pero mukhang normal na beach resort lang naman 'to. Walang kahina-hinala maliban nalang sa may iilang armadong lalaki akong nakita na parang nagpapatrolya kaya panay ang iwas ko sa kanila at maingat na kung saan-saan lumulusot at dumadaan para hindi nila ako makita.
"Hoy, Rocky! Bakit mo iniwan ang pwesto mo?" Dinig kong sabi ng lalaki mula sa likuran ko kaya napahinto ako sa paglalakad.
Ibinaba ko konti ang cap kong suot para takpan lalo ang mukha ko bago ko siya hinarap.
"Umihi lang." Sagot ko sa kanya habang nakayuko.
"Dumating na ba si C225?" s**t. Anong isasagot ko dito? Sino si C225?
"Sino yun?" Taka kong tanong sa kanya pero binatukan niya ako kaya naman mabilis kong inayos ang cap ko.
"Sabog ka ba? Humithit ka nanaman siguro. Yung sinundo ng RMW178." RMW178 ay ang plate number ng itim na van na sinakyan ni Miss Kate. Ibig sabihin C225 ang tawag nila kay Miss Kate. Bakit kaya?
"Ah. Haha. Oo dumating na si C225, kani-kanina lang." Sabi ko habang tumatawa ng peke sabay kamot sa ulo para hindi niya ako paghinalaan.
"Sila na siguro yun." Sambit niya sa sarili habang nakatingin sa direksyon ng dagat kaya naman tiningnan ko rin ang tinitingnan niya.
"Saan yun pupunta?" Tukoy ko sa cabin cruiser boat na nasa kalagitnaan na ng dagat.
"Bobo! Malamang sa black house island. Sabi sayo dahan-dahan lang sa paghithit. Patanga kana ng patanga. Pati boses mo ay nag-iiba na. Bumalik kana dun sa pwesto mo." So hindi pa pala itong beach resort na 'to ang black house. Ginagawa lang pala nilang route itong beach resort na 'to.
Kaya naman pala hindi namin mahanap-hanap ang black house na yun ay dahil isang isla pala ang lokasyon nito.Gusto ko man sundan ang cruiser boat na yun kaso lang ang problema ay wala akong masakyan dahil wala ng ibang sasakyang pandagat dito. Isa pa malayo na ang cruiser kaya impossibleng maabotan ko pa sila kahit rumenta pa ako ng sasakyang pandagat sa ibang beach resort.
Mabilis na akong lumabas sa private beach resort na'to bago pa sila makatunog na may nakapasok sa teritoryo nila. Sigurado na akong isang crime organization rin ang mga 'to kaya delikado ako kung magtatagal pa ako rito dahil mag-isa lang ako. Dehado ako pagnagkataon at mukhang lungga nila 'to kaya siguradong marami pa sila rito.
Bago ako umalis ay iniwan ko muna ang mga gamit at damit ng armadong lalaking sa taas ng basurahan kung saan ko siya itinago. Hindi ko siya cheneck kung humihinga pa siya kaya hindi ko alam kung buhay pa ba siya o ano. Basta hindi ko siya binaril.
Pagkauwi ko ay pinuntahan ko kaagad si Boss A sa bahay niya at mabuti nalang ay nandito na siya.
"Boss A, pasensya na mission failed dahil hindi ko nasundan si Miss Kate hanggang sa black house. Sa isang beach resort ko lang sila nasundan at ginagawa yata nikang route yun para pumunta sa isa pang isla. Isla kasi ang lokasyon ng black house at hindi na ako nakagawa ng paraan para mahabol pa sila dahil nasa kalagitnaan na sila ng dagat pagpasok ko sa teritoryo nila. Black house island ang tawag nila sa islang pinagdalhan nila kay Miss Kate." Kinakabahan kong paliwanag kay Boss A.
"It's okay. Bukas pa ang balik ni Kate kaya abangan mo nalang siya sa meeting place nila para sunduin." Sagot nito habang umiinon ng wine.
"May impormasyon akong nakalap tungkol kay Miss Kate, Boss A."
"Ano yun?"
"C225 ang tawag nila kay Miss Kate at ang beach resort na sinasabi ko ay teritoryo ng isa ring crime organization."
"What?!" Humigpit ang hawak ni Boss A sa glass wine.
"Normal na beach resort lang naman yun Boss A pero armado ang mga taong nandun. Isa pa bago ka makapasok ay hahanapan ka muna nila ng code."
"Saang ang lokasyon ng beach resort?"
"Sa batangas, Boss A. Pribado ang lugar at tagong-tago. Hindi kaya nanganganib si Miss Kate sa kanila, Boss A?"
Malalim na nag-iisip si Boss A kaya hinayaan ko na muna siya at nagpaalam na akong umuwi.