KAILLE ORTEGA "Ano na next?" tanong ni Lily matapos ang pangalawang movie na pinanuod namin. Andito kasi kami ngayon sa mini theater sa bahay. "Let's watch naruto po," suhestiyon ni Blaze. "Eh, ayaw ko ng naruto, Baby Blaze," tanggi naman ni Lily. "Dali na, Tita Lily, please...," pamimilit ni Blaze. "Iba nalang, Baby Blaze, o sa kwarto mo nalang 'yon panuorin ang naruto mo," pamimilit rin ni Lily. "Gusto ko kasama kayo. Episode one hundred na po ako doon." "Episode one hundred ka na, baby? Umamin ka, nagpupuyat ka ba?" "Bakasyon naman po, mommy," pangangatuwiran niya. "Ibig sabibin naglalie ka kay mommy? Nagkukunwari ka lang ba na natutulog at kapag umalis na ako sa kwarto mo ay nanunuod ka na ng anime?" Gabi-gabi kasi ay hinihintay ko siyang makatulog bago ako umalis sa kwarto

