CHAPTER 9: TERMS OF AGREEMENT

3194 Words
KAILLE ORTEGA "HINDI naman yata makatarungan ito, Alec?" reklamo ko sa kanya matapos kong mabasa ang unang pahina palang ng kontrata. "The contract itself is fair enough, sweetheart. That's why we have a contract so that it will be fair for both parties. It's your fault for not reading it before signing it," pangangatuwiran niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa laptop at sa mga papeles. Nandito na kasi kami ngayon sa home office niya at wala akong pakialam kung busy siya dahil magrereklamo talaga ako para sa karapatan ko. Gigil kong iwinagwag ang hawak kong kontrata sa harap niya kaya napaiwas siya para hindi siya matamaan. "Paanong naging makatarungan ito, aber? Walang specific date kung kailan mateterminate ang kontratang 'to!" umuusok ang ilong kong sabi, pero parang wala lang sa kanya. Padabog kong nilapag sa office desk niya ang kontrata para agawin ang atensyon niya. "What's your problem?" irita niyang tanong. "Posible ba ang ganitong kontrata? Nakalagay lang sa termination "At Will: Until the employer say so." Anong ibig sabihin nito, na posibleng habang buhay na akong magiging instant mommy ni Blaze kung gugustuhin mo?" "You're holding the contract with such terms and conditions, so it means it's possible," seryoso niyang sabi habang busy parin siya sa ginagawa niya. "Ang selfish ng kontrata na 'to. Ang daya mo! Ang unfair sa side ko!" naluluha ko ng sabi. "May pinag-usapan ba tayong date kung hanggang kailan ka lang magiging mommy ni Blaze?" "Wala." "It's not called unfair then." "Unfair 'yon kasi hindi mo manlang ako kinonsulta kung gusto ko bang matali sa inyong mag-ama habang buhay." Tumigil siya sa ginagawa niya at tiningnan ako. "Look, I'm busy. I have no time for your complaints now. Next time you are signing a contract, remember to check the content first. No matter how many pages there are, when it comes to this matter, reading is important. You're an educator, you should know that better," sermon niya sa akin. "I don't need your preaching. I will now acknowledge my fault. Nag-aalala lang ako kung paano ako magkakaroon ng pamilya nito kung nakapako na ako sa inyong mag-ama? Gusto ko rin kayang magkaroon ng sarili kong pamilya!" "Make us your own family, then." "Ang ibig kong sabihin ay yung dugo't laman ko ang anak ko tapos mahal ko ang asawa ko." "In that case, I will marry you. All you need to do is to love me so that we can make our own children," sabi niya kaya nasamid ako sa sarili kong laway. "Ano bang pinagsasasabi mo? Lahat nalang may solusyon ka sa mga reklamo ko. Sagrado ang kasal at importanteng event 'yan sa aming mga kababaihan kaya huwag mo akong mabiro-biro tungkol dyan." Napatigil siya sa ginagawa niya at diretso akong tiningnan mata sa mata. "Do I look like I'm joking?" "Bakit mo ako papakasalan, aber?" "I like you," pag-amin niya, pero hindi manlang ako nakaramdam ng kilig. "Hindi mo ako madadaan dyan sa pa "I like you" mo na 'yan, Alec. Alam ko naman na kaya mo lang 'yan sinasabi kasi kahawig ko si Kate at nakikita mo siya sa akin kaya tantanan mo ako." "As I told you, I'm busy right now. Let's talk later," paglilihis niya sa usapan. "I want to talk about it now. Please give a minute or an hour. Marami akong gustong linawin tungkol sa kontratang 'to." Nagpakawala siya ng mahabang buntong hininga sabay sandal sa office chair niya at humalukipkip. "Talk. I'll listen." "What if I breach the contract? Halimbawa ay gusto ko ng umalis kahit ayaw mo pa? How much is the penalty?" "Nandyan sa kontrata. Page three. Read the penalty clause number one," sabi niya kaya kaagad kong nilipat ang kontrata sa page three. "Grabe ka naman! Bukod sa penaltyng ibabalik ko ang fifty percent ng kabuuan ng matatanggap kong salary ay magbabayad pa ako ng fine na kalahating milyon?" "You read and understood it correctly." "Kaya nga ako magtatrabaho sayo para magkapera, pero ang ending pala nito ay mukhang ako pa ang magkakaroon ng utang sayo kapag nagkataon. Paano kung wala akong pambayad dahil nga sa pobre ako?" "Read the penalty clause number two." "If Party B fails to deliver according to the terms of the agreement, Party B will submit herself to Party A within a month before Party B leaves." Nalaglag ang panga, nanginig ang mga tuhod at mga kamay. Iyan ang mga naging reaksyon ko habang binabasa ito. "You understood that too, right?" "Magiging s*x slave mo muna ako sa loob ng isang buwan bago ako makaalis?" "That's right." "Sobra ka naman! Puri't dangal ko talaga ang gusto mong hinging kapalit? Para sabihin ko sayo, Alec, hindi ako isinilang sa mundong 'to para lang maging personal toy mo at isatisfy 'yang libog mo!" "You have no choice, then. But to stay with us until I decide to break our agreement." "Actually, meron pa. I think reconsidering your proposition is the worst decision I've ever made," inis kong sabi habang pinupunit ang kontrata sa harap niya. Ngumisi siya. "Tearing it up does not render our agreement null and void, sweetheart." Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa office desk niya sabay iniyuko ko ang katawan ko at pinantay ko ang mukha ko sa mukha niya. "Alam ko, pero mahihirapan kang patunayan sa korte na may kontrata tayong pinirmahan lalo na't wala namang witness nang pirmahan natin ang kontratang 'to," sabi ko sabay ngisi. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at hinawakan ang baba ko. "Do you think you can outsmart me, sweetheart?" seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga labi ko at hinahaplos-haplos niya ito ng hinlalaki niya. Iwinaksi ko ang kamay niya sabay tumayo na ako ulit ng tuwid. "What do you mean?" "The original contract is on me. The one that you tore up was just a copy." "Paano nangyari 'yon?" Tumayo siya at naglakad papunta sa bintana. Sumandal siya doon at direcho akong tiningnan. "I was worried that you couldn't sleep since it's your first night here. So I sneaked into your room in the middle of the night to check on you, but I was worried for nothing, because you slept like a baby. If you were awake at that time, I would discuss the details of the contract with you. I know you will fight for your rights if you have read the contents, but when I saw it, it had your signature already. I know something is wrong, so for my advantage, I made a copy of it. Kinuha ko ang orihinal at kopya ang ibinalik ko sa kwarto mo." "Grabe! Wala akong masabi sa pagkaseguristo mo," sabi ko habang umiiling-iling. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Blaze. "Nandito ka lang pala sa opisina ni paps, mommy. Kanina pa kita hinahanap." "Bakit mo hinahanap si mommy?" tanong ko, pero imbes na sagotin niya ako ay yumakap lang siya sa bewang ko. "I'm glad you're still here, mommy," malungkot niyang sabi. "Hindi ba't ako na ang mommy mo? Kaya huwag ka ng mag-alala kasi palagi lang nandito si mommy. Kung aalis man si mommy ay magpapaalam ako sayo. Okay ba 'yon?" Kumalas siya sa pagyakap sa bewang ko. "Worried lang ako, mommy. Baka kasi one day ay bigla mo nalang kami iwan ni paps." Hinawakan niya ang kamay ko at pinag-isa ang pinky finger naming dalawa. "Promise me that you won't leave us. Promise me that you will be my mommy forever," pamimilit ni Blaze kaya tiningnan ko si Alec. Nahuli ko siyang palihim na ngumingiti kaya kaagad niya ring binawi ang mga ngiting 'yon. "Hindi ko maipapangako na forever, pero lifetime, pwede. Habang nabubuhay ako rito sa mundo ay pwede mo akong maging mommy." "This means you and paps will be together for a lifetime also?" "Blaze, lilinawin lang ni mommy sayo, ha, na hindi ibig sabihing pumayag akong maging mommy mo ay may relasyon na rin kami ng paps mo." "But I want you to be his girlfriend so that my paps won't be lonely anymore." Tumikhim si Alec. "I'm not lonely, son, especially since I have you." "Lonely ka kaya, paps. Lagi nga kitang nahuhuling tinitingnan ang picture ni mommy Kate habang kinakausap siya, eh," pangbubuko ni Blaze sa ama niya kaya natawa ako ng bahagya. "Are you spying on me, son?" "I never saw your genuine smile before, but now, every time Mommy Kai is around, you secretly smile, genuinely." "Gutom lang 'yan, Blaze. Tara't tulungan mo si mommy magluto," pag-iiba ko sa usapan dahil naiilang na ako. "I will help too," presinta rin ni Alec. "Kanina lang ay kulang nalang itaboy mo ako palabas dito sa opisina mo dahil sa busy ka. Ngayon ay bigla kang nagkaroon ng oras para lang tumulong?" "Let's go downstairs. Inabala mo na ako kaya lubusin mo na," sabi niya habang nangunguna pa siyang maglakad. Nakasunod lang kami ni Blaze sa kanya hanggang sa marating namin ang kusina. "Anong gusto mong lutuin ni mommy?" tanong ko kay Blaze habang nagsusuot ako ng apron. "I heard it somewhere, pero hindi pa kami ni paps nakakatikim nito. I want to try sinigang, mommy." "Anong sinigang ang gusto mo? Pork, shrimp, bangus, or chicken?" "Pork!" masigla niyang sagot. "Okay, pero matagal pa ito, ha. Upo ka muna dyan." "Okay, mommy." "Gusto mong tumulong, hindi ba?" Tinype ko ang mga kakailanganing ingredients sa notes sa cell phone ko sabay inabot ko ito sa kanya. "Ito, kunin mo ang mga 'yan," sabi ko at walang reklamo naman siyang sumunod. "Here," sabi niya sabay lapag sa mga ingredients. "Nasaan ang kangkong?" "I don't know what that is." Kinuha ko ang kangkong sa fridge at pinakita sa kanya. "Ito po ang tinatawag na kangkong. Siguro bili ka lang ng bili ng kung anong makita mo sa supermarket kahit hindi mo alam kung ano ang mga ito." "Exactly," proud pa niyang sagot. Nagulat ako nang biglang hawakan ni Alec ang buhok ko sabay sinimulan niya itong talian. Sumasagabal kasi sa mukha ko ang buhok ko habang naghihiwa ako kaya panay ang hawi ko rito at napansin niya siguro. "Salamat," pasalamat ko sa kanya kahit kalat-kalat naman ang pagkakatali niya. May natitira pa kasing mga buhok na hindi nasama sa pagtali. "You're welcome," sagot niya habang hindi parin siya umaalis sa bandang likuran ko. Napahinto ako sa paghiwa nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko sabay idinikit pa niya ang katawan niya sa likod ko. Kulang nalang ay ipulupot niya ang mga braso niya sa bewang ko para nakaback hug na siya sa akin. "Ano bang ginagawa mo, Alec?" reklamo ko sa mahinang boses. Naiilang na kasi ako dahil nararamdam ko na rin ang alaga niyang tumutusok sa lower back ko. "I am fascinated with your nape. I want to leave a mark on it," bulong niya sa nakakaakit niyang boses kaya nanindig ang mga balahibo ko. "Hindi ka ba nahihiya sa anak mo sa ginagawa mong kabastusan sa harap niya?" tanong ko sa kanya. Mabuti at wala sa amin ang atensyon ni Blaze. Ako kasi ang nahihiya kay Blaze sa pinaggagawa ni Alec. "Instead of resisting, you're asking me that question. Sabihin mo lang, sweetheart, kung nagugustuhan mo rin ang kabastusan ko dahil marami pa akong kabastusang gustong gawin sayo." "Baka nakakalimutan mong may hawak akong kutsilyo. Kung hindi ka pa aalis sa pagdikit-dikit mo sa likod ko ay gigripohan na talaga kita sa tagiliran." "I'm not scared of your knife, sweetheart," sabi niya sabay naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi niya sa batok ko kaya siniko ko siya ng malakas dahilan para mapadaing siya sa sakit habang hawak-hawak ang tyan niya. "What happened, paps? Are you okay?" alalang tanong ni Blaze sa ama niya habang naglalakad siya papalapit sa amin. "Yeah, I'm fine," sagot ni Alec kay Blaze habang naglalakad na palayo sa likuran ko. May nagtext sa akin na unknown number kaya naman mabilis ko itong cheneck at binasa. "Hi, Miss Ortega! This is Tracy, Mr. Castellano's secretary. Favor naman, kung kasama mo si Mr. Castellano ngayon sa bahay niya ay pasabi naman na may important meeting siya sa Japan. Chopper will arrive at Castellano's Corporation rooftop at one pm. Tinatawagan ko kasi siya at text, pero hindi niya sinasagot. Please as soon as you read this, pasabi naman sa kanya. It's urgent. Thank you!" malakas kong basa sa message ni Tracy para marinig ni Alec. "My phone is in my office upstairs. Can I borrow yours?" sabi niya kaya mabilis ko namang ibinigay ang cell phone ko sa kanya. TRACY Hindi ko na naalis ang tingin ko rito sa cell phone kong nakapatong sa itaas ng office desk ko. Hinihintay ko kasi ang reply ni Mr. Castellano. Matapos ko rin ipahanap ang resumé ni Miss Kaille ay pati siya minessage ko na rin. Naiistress na kasi ako sa mga big clients na 'to. Kung magpatawag ng meeting ay biglaan. Mabuti sana kung dito lang din sila sa pilipinas nagpapameeting kaso hindi, eh. Palaging sa sarili nilang bansa. Mabilis kong dinampot ang cell phone ko nang umilaw ito. "Thank God!" sambit ko sa sarili ko bago sagotin ang tawag nang pangalan ni Miss Kaille ang nakalagau sa screen. ♤ON THE PHONE♤ Tracy: "Hello, Miss Kaille!" masaya kong bati sa kanya sa kabilang linya. Alec: "It's me," sabi ni Mr. Castellano sa malalim at malamig niyang boses. Sanay na ako sa coldness niya kaya parang wala nalang 'yan sa akin. Tracy: "Pasensya na, Mr. Castellano, kung nakaistorbo ako, pero nagpatawag kasi ng biglaang meeting si Mr. Yamato," paghingi ko ng paumanhin. Ininform na kasi ako ni Mr. Castellano na mamaya pa siya papasok dito sa CC, pero dahil nga malaking kliyente ito si Mr. Yamato ay wala akong ibang choice kundi ang istorbohin siya. Alec: "Cancel it." Tracy: "Mr. Castellano, I will just remind you that Mr. Yamato is one of our biggest clients in Japan. Are you sure you want to cancel it?" paninigurado ko dahil bago sa akin itong nagpapakansel siya ng meeting lalo na't hindi basta-bastang kliyente ito si Mr. Yamato. Alec: "You heard me, Tracy. Kailangan ko pa bang ulitin?" Tracy: "Noted, Mr. Castellano. I'll cancel it," mabilis kong sagot dahil ayoko munang makarinig ng sermon umagang-umaga. Alec: "Cancel the rest of my schedule for today too," sabi niya kaya lalong tumaas ang level ng stress ko. Tracy: "All of it, Mr. Castellano?" Alec: "Yeah, all of it." Tracy: "Hindi ka na ba papasok dito sa CC, Mr. Castellano?" Alec: "Hindi na." [End of Call] Kanina ko pa iniisip habang kausap ko si Mr. Castellano sa kabilang linya kung bakit nagpapakansel siya ng mga schedules, pero ni isa ay wala akong maisip na posibleng dahilan niya. Dati naman kasi kahit anong busy niya, kahit gaano pa kabiglaan ang meeting, kahit bumabagyo man o umaaraw, at higit sa lahat kahit may sakit siya ay hindi siya kahit isang beses nagpakansel ng meeting at schedules. Ngayon lang talaga. Gusto niya rin dati ay palagi siyang may ginagawa na para bang nililibang niya lang ang sarili niya kaya hindi ko talaga maiwasan na hindi magtaka't mag-isip. Sumuko nalang ako sa pag-iisip dahil wala naman akong maisip at tinawagan ko nalang ang sekretarya ni Mr. Yamato para ipaalam na wala na ngang Mr. Castellano ang dadating sa Japan. Si Mr. Rey na pilot ng private chopper ni Mr. Castellano ay tinawagan ko na rin kaagad para hindi na siya umalis at makapagsayang ng oras sa himpapawid. Pati ang pagkansela sa iba pa niyang sandamakmak na schedules ay inasikaso ko na rin. May kumatok sa pinto sabay dire-direchong pumasok ang isang employee rito sa opisina ko kaya kinunotan ko siya ng noo. "Miss Tracy, papasok ba si Mr. Castellano ngayon? May kailangan lang po akong papirmahan." "Hindi siya papasok. Para saan ba 'yan?" mataray kong tanong habang nakataas ang kilay ko sa kanya. Hindi niya kasi kinukompleto ang detalye kung para saan ang papipirmahan niya. Ayaw ko pa naman ng ganyan. "Bagong head po ako ng marketing department. Kailangan na namin ng pirma ni Mr. Castellano para mailaunch na po namin ang bagong advertisement natin sa tv." "Kaya mo naman pala ibigay kaagad ang buong detalye. Hinintay mo pa talaga na tarayan muna kita," prangka ko sa kanya. "Pasensya na, Miss Tracy." "Napanuod na ba ni Mr. Castellano 'yan bago kayo magdesisyong ilaunch na?" tanong ko dahil wala naman akong naaalala na may pinanuod silang final output ng ginawa nilang advertisement. "Yes, Miss Tracy. Napanuod na ni Mr. Castellano, pero may pinabago siya. Pinabago niya yung style ng editing at yung ATL. Nabago na po namin at ready ng ilaunch. Pirma nalang ni Mr. Castellano sa mga dokumento at kontrata ang kulang." "Miss, hindi pa matatawag na final output ang pinanuod niyo sa kanya kung may pinabago siya. Kailangan niyo munang ipanuod ulit 'yon kay Mr. Castellano at kung wala na siyang gustong ipabago at approved na sa kanya ay 'yon ang talagang matatawag na final output," sermon ko sa kanya. Nag-aalala kasi ako na baka mamaya niyan ay hindi parin nila nameet ang standards ni Mr. Castellano. Hands-on kasi si Mr. Castellano sa lahat ng nangyayari dito sa kompanya niya kaya kailangan bago pa man may ilalabas sa publiko ay dapat dumaan muna sa quality check niya. "May hinahabol po kasi kaming oras para sa placement ng advertisement natin." "Naku, Miss! Dahil bago ka lang dito ay bibigyan kita ng salita. Huwag na huwag kang mangangatuwiran ng ganyan sa harap ni Mr. Castellano kung ayaw mong mag-ayos kaagad ng desk mo at isa pa ay kanino ba kayo mas matatakot? Sa oras na hinahabol niyo o kay Mr. Castellano? Sigurado akong alam na alam ng ibang mga kasamahan mo kung paano magalit si Mr. Castellano." "Sa dating kompanya po kasi na pinagtatrabahuan ko ay hindi na pinapakialaman ang gawa namin. Kami na ang nagdedesisyon para sa department namin." "Ibahin mo dito, Miss, at ibahin mo si Mr. Castellano. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa gawa niyo, mabusisi lang kasi talaga siyang tao. Kaya kung ako sa inyo ay huwag kayong paladesisyon kung ayaw niyong magkaproblema sa kanya. Ipanuod niyo muna ulit sa kanya bago kayo magdesisyong ilaunch na kasi mamaya niyan ay baka may hindi parin siya magustuhan sa gawa niyo. Ayaw mo naman sigurong malimas ang department niyo, ano?" "Ipapanuod nalang po namin muna kay Mr. Castellano bago ilaunch. Kailan po ba kami pwedeng makasingit sa schedule niya?" Tiningnan ko ang appointment app ko na nasa ipad. "Tomorrow may available time siya. Nine to nine-thirty am." "Pakischedule nalang kami sa oras na 'yan, Miss Tracy." "Iwanan mo na sa akin 'yang papapirmahan niyo para mailagay ko na sa opisina ni Mr. Castellano," sabi ko kaya ibinigay niya naman kaagad sa akin ang hawak niyang folder. "Salamat, Miss Tracy," pasalamat niya kaya tinanguan ko siya. Noong nagsisimula palang dati si Mr. Castellano ay sekretarya na niya ako, pero ni isang beses ay hindi ko pa naranasang mag-overnight sa bahay niya kaya masasabi kong ang swerte ni Miss Kaille dahil kasama niyang tumira sa iisang bubong ang isang Mr. Castellano. Sigurado akong maliban sa akin ay marami pang mga kababaihan ang maiinggit sa kanya kapag kumalat na ang ganyang balita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD