CHAPTER 12: TORN

4858 Words
ALEC'S POV I haven't seen Kai for a while now. She was always in her room after she heard that damn news. I'm worried pero hindi ko siya pinupuntahan sa kwarto niya dahil dinidistansya ko ang sarili ko sa kanya. "f**k this pride!" I screamed out of frustrations. "What are you doing sa harap ng room ni mommy, paps?" I'm here right now, in front of her door room pero hindi ko magawang katokin 'to. "Do you see your mom coming out of her room?" Maybe lumalabas naman siya, hindi ko lang nakikita but unlike before nakikita ko siya madaling araw palang bago ako pumasok sa opisina. "Opo. Inaasikaso niya po ako bago ako pumasok sa learning center." I think Kai taught him to use po and opo. I used to teach him that pero hindi niya ako sinunod. "Is she okay?" "I think no, paps. Sad ang eyes niya kahit nagssmile naman siya at tumatawa tuwing nagpiplay kami." "Is that so?" "Yes, paps. Lagi niya kausap si tita Lily sa phone at sinasabi niya dito na namimiss na niya si tita Lily." "Si tita Lily lang ang kausap niya?" I asked fishingly. "I heard her talking to someone named William." Tsk. "What if payagan mo na si mommy na puntahan si tita Lily, paps? Para hindi na sad si mommy." I forbid them to go there especially Kai. She's still in danger kasi hindi pa tuluyang humuhupa ang balita na tungkol sa aming dalawa kahit ilang linggo na ang nakakalipas. Nakabantay si Gino kay Blaze tuwing pumapasok sa learning center kaya hindi niya mababantayan si Kai sa hospital. The blue aces together with the the three idiots are currently busy kasi may pinapagawa ako sa kanila kaya hindi ko rin pwedeng iasa sa kanila ang seguridad ni Kai. "I can't, your mom is still in danger." "Kahit today lang, paps. It's sunday naman, wala akong pasok. Sasama kami ni Gino sa kanya." "Go eat your breakfast first tapos magbihis ka na. I'll come with you two." "By the way, Happy Birthday, Paps! Your son loves you very much kahit pinapagalitan mo ako. You're the best paps in the whole wide world." He's a sweet talker. "What do you want from me?" I know meron siyang hidden agenda. "The big hummer rechargeable toy car po. The latest one. I ordered it already pero wala po akong pambayad." Look at him, ordering without money. I think it's for his toy car collection again. "How much does it cost?" "57, 988 pesos, paps." "I'll leave cash to your mom para siya na ang mag pay." Now I have reason to knock on her door. "Okay, paps. I'll eat my breakfast now. Excited na ako ma meet si tita Lily." I fix myself first bago ako kumatok sa pinto ng kwarto ni Kai. It's unlock kaya ako na ang nagbukas dahil hindi niya 'to binubuksan kahit kumatok na ako. "Hey, Can I come in?" I waited her to answer but she's not answering me kaya dumiretso na akong pumasok sa loob. I can't see her anywhere inside her room but I heard the shower pouring. I guess she's taking a bath. I distracted myself from the thought of joining Kai in the shower by calling Tracy to inform her to cancel all of my schedules for today. "Ay kabayo!" she shockingly reacted the moment she saw me sitting on her bed. Blaze is right, her eyes looks unhappy, it's cheerless. She's only wearing her bath towel. She pulled off the fresh out of the shower's look, it makes her even sexier. "Anong ginagawa mo dito?" She asked shyly facing her back on me. "Hindi mo na ba matiis na hindi ako makita?" Glad, her bubbly personality is still there. "Blaze's ordered a toy car. I'll leave the cash to you." It's my excused to see you. "Iwan mo lang dyan tapos lumabas kana." "Why? I still have something to say." I think nahihiya siyang makita ko siya na naka tuwalya lang. Wala siyang dapat ikahiya, her skin is flawless, it's glowing. "Hindi ba yan makapag hintay? Baka pwedeng magbihis muna ako 'no?" Hindi pa rin siya humaharap sa akin. "Go change. It's not a problem." I said as I sat on her bed again. "Magbibihis ako tapos nakatingin ka? Ano ka sinuswerte?" "Let's go to the hospital, let's visit your sister." "Talaga?" She asked excitedly as she faced me. Her eyes sparkled again. I nodded in response. I was about to leave in her room but she suddenly ran towards me and in a few seconds she was hugging me lightly. "Thank you. Lily is my happy pill kaya sobrang saya ko ngayon na makikita ko na siya ulit." She's saying this while hugging me. I think she is not fully aware of what she's doing right now dahil sa sobrang saya niya but I don't care, this is a rare moment and I don't wanna waste it so I wrap my arms around her thin curvy waist and hug her tightly. "Sorry, nadala lang ako ng emosyon ko." She said habang kumakawala sa yakap ko but I wrapped her with my arms even more. "Stay still for just one more minute. Let's stay like this for another one minute." I requested to extend her 'thank you' hug. "Kahit naman hindi ako payag wala naman akong magagawa dahil wala akong laban dyan sa mga muscles mo, hindi ako makawala. Basta ten seconds lang ha, wag abusado. Tsaka pakiluwagan na rin ng yakap mo, hindi ako makahinga." I smiled at what she said. I really like her personality. She didn't wrap her arms around my waist so frankly speaking, I'm the only one who's enjoying this hug and napipilitan lang siya. "Hindi ko sadyang yakapin ka ha. Natuwa lang talaga ako sa sinabi mo kaya wag kang assuming." She added. "I'm sorry for being selfish. Hindi dapat kita pinipilit na gustuhin ako pabalik." I said as I buried my face on her neck na ikinagulat niya. I'm doing nothing on her neck, I'm not kissing or sucking it or something. I just wanna rest my face here. Her smell is so addicting. "Apology accepted but I am sorry if I can't like you back. I haven't falled for you yet. All I can do for now is to respect and appreciate your feelings towards me." She's saying this while patting my back. "From now on hindi na kita pipilitin, you don't have to like me back. I'll continue liking you anyways." Hindi na importante sa akin kung gusto niya ako o hindi, ang importante we're on the good terms now and she's still with us. "Ayan one minute na. May pa sobra pa nga." As soon as I loosened my hug, she immediately distance herself with me. "We'll wait in the living room." After I said this ay umalis na rin ako kaagad sa kwarto niya. KAI'S POV Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Alec ay sobrang gumaan ang pakiramdam ko. Mabuti naman at naisipan na niya akong pansinin at kausapin. Hindi na multo ang turing niya sa akin. Kahit maaga ako palagi nagigising hindi na muna ako bumababa para hindi kami magkasalubong ng landas bago siya pumasok sa opisina. Alam ko rin ang oras ng uwi niya tuwing gabi kaya kapag alam kong malapit na siyang dumating ay umaakyat na ako sa kwarto ko para hindi niya ako maabotan. Mabuti naman at naging effective ang pag-iwas ko sa kanya dahil dun ay nauna niya akong pinansin. Sabi niya maghihintay sila sa sala kaya hndi na ako nagtagal sa kwarto ko at bumaba na rin ako kaagad. Hindi naman kasi ako nag make up pa. Nagkilay, sunblock at lipstick lang ang nilagay ko sa mukha ko. Sinuot ko na rin ang mga gamit sa walk in closet na binili nila para sa'kin. Baggy jeans, silk camisole tops, at puting pares ng sapatos ang naisip kong outfit. "You're so pretty, mommy." Puri ni Blaze sa'kin. "Ikaw rin ang pogi." Puri ko rin pabalik sa kanya. Naka white polo shirt siya na naka tuck-in sa maong pants niya tapos meron siyang Blazer na kulay grey. May sunglasses pa siya. Para siyang binata kung manamit. Si Alec naman ay hindi na nakapang opisina. Nagbihis pa yata siya ulit dahil hindi naman iyan ang suot niya kanina. Hindi ko alam kung ano ang trip niya. Pwede naman kasing si Gino nalang ang sumama. Naka white long sleeve na polo siya tapos naka tuck-in sa trouser niya at may sunglasses rin. Hindi niya sinara ang lahat ng butones ng polo niya kaya kitang-kita ang malapad niyang dibdib. Nauna na maglakad si Alec sa parking area kaya sumunod na kami ni Blaze sa kanya. "Dito nalang ako sa backseat, paps." Sabi ni Blaze habang binubuksan ang pinto ng kotse sa backseat. Binuksan ni Alec ang pinto ng kotse sa shotgun seat para doon ako paupuin pero hindi ako pumasok dun dahil gusto kong samahan si Blaze sa backseat kaya sinara niya nalang 'to at sumakay na rin. Tapos ay pinaandar na ang kotse. "Sinisekreto mo ba si Blaze? I mean ayaw mong malaman ng publiko na may anak ka." Naisipan ko lang itanong dahil wala masyadong nakakaalam na may anak siya kahit ako nga dati ay nagulat. "Of course not. Bakit ko naman gagawin yun?" "Marami kasi ang nagugulat na may anak ka na." "It is not my responsiblity to broadcast it to the world." Tama nga naman siya. Personal na buhay na niya 'to. Hindi naman lahat kailangan niyang ipaalam sa publiko dahil lang sa kilalang tao siya. "Mom and paps, bilhan natin si ate Lily ng gift." Suhestiyon ni Blaze. "Okay, we'll make a stopover at the mall first." Alec. "Wag nalang sa mall. Dyan nalang oh." Nguso ko sa palengke na kasalukuyang natatanaw ko ngayon. "Are you sure? Let's buy a decent gift atleast." Alec. "Okay na dyan. Hindi naman maarte ang kapatid ko kaya sigurado akong kahit anong ibigay niyo sa kanya ay matutuwa yun lalo na galing sayo. Isa rin kasi yun sa mga fangirls mo." Natatawa kung sabi. Nagpasikot-sikot pa muna kami bago makahanap ng mapag parkingan. "Ako nalang ang bibili, wait niyo nalang ako dito sa loob ng sasakyan." Paalam ko sa kanila habang tinatanggal ang aking seatbelt. "Sama ako, mommy." Blaze. "We'll come with you." Alec. "Hindi niyo magugustuhan ang amoy ng palengke." Babala ko sa kanilang dalawa pero nauna pa silang lumabas ng sasakyan kaysa sa'kin. "Ate, pahingi po barya." Sabi nung bata na halos kaedad lang ni Blaze pagkababa na pagkababa ko sa kotse. Bitbit pa niya ang kapatid niyang sanggol. Dudukot na sana ako sa wallet ko pero naalala ko hindi pa nga pala ako nakaka withdraw, wala akong cash kahit piso. "May cash ka? Pwede makahiram 100 pesos?" Nahihiya kong panghihiram kay Alec na nakasandal sa kotse sa kabilang side kasama si Blaze. "100 lang. Ibibigay ko lang doon sa bata." Isang libo kasi ang ibinigay sa'kin. Matapos niyang tingnan ang bata ay dumukot ulit ito ng pera sa wallet niya. Limang libo na ang ibinigay niya sa'kin. "Blaze, tara. Ikaw ang magbigay nito sa kanila ha." Pakiusap ko kay Blaze sabay abot nung pera na binigay ni Alec. "Okay, mommy." Hawak kamay kami ni Blaze habang naglalakad habang si Alec naman ay nakasunod lang sa likuran namin. "Here." Sabi ni Blaze sa bata habang inaabot ang pera. "Ang laking tulong nito, bata. Salamat." Ngiti-ngiting pasasalamat nung bata kay Blaze. "You're welcome. When I see you next time, I'll give you toys." Blaze. "Ano daw po, ate?" Takang tanong ng bata. "Walang anuman man daw. Kapag nakita ka niya sa susunod bibigyan ka daw niya ng laruan." Translate ko sa sinabi ni Blaze. "Talaga? Ang bait mo naman. Ang swerte mo pa sa mama mo, ambait din. Ang laki nitong perang binigay niya. Salamat dito, ate." Masayang sabi ng bata. "Naku, wag ka sa'kin magpasalamat hindi ako ang nagbigay niyan kundi siya. Sa kanya ka magpasalamat." Sabi ko habang turo si Alec na nakikinig lang. "Salamat po sa asawa ni ate." Pasalamat ng bata kay Alec pero wala manlang 'tong reaksyon. "Let's go." Pagmamadali ni Alec. "Sige, bata. Una na kami. Mag-ingat kayo ng kapatid mo ha." "Sige, ate. Salamat sa pamilya niyo ulit." Ipinagpatuloy na namin ang paglalakad habang hawak ko parin sa kamay si Blaze at nakasunod lang si Alec. Huminto kami sa may flower shop dahil bulaklak ang naisip ni Blaze na ibigay kay Lily. "Ano po ang favorite flower ni tita Lily, mommy?" Tanong ni Blaze pagkapasok namin sa loob ng flower shop. "Gerbera Daisy ang favorite ni tita Lily." "Let's buy a bouquet of gerbera daisy, paps." Tinanguan naman siya ni Alec sabay kuha ng bouquet ng gerbera daisy at binitbit 'to. "Ale, magkano po ito?" Tukoy ko sa hawak ni Alec na bouquet ng gerbera daisies. "500, ineng pero para sayo 450 nalang." Nakangiting sambit ng tindera. "Sige po, ale, kukunin namin." Matutuwa si Lily rito kasi paboritong bulaklak niya yan at higit sa lahat kina Alec galing. "Mukhang pamilyar ang asawa mo, ineng. Siya ba iyan si Mr. Castellano na may ari ng Castellano Corp.?" "Siya po si Mr. Castellano pero hindi ko po siya asa..." Sasabihin ko sanang hindi niya ako asawa pero biglang pinutol naman ni Alec ang pagsasalita ko. "Do you have chocolates here too?" May masabi lang 'tong si Alec. Alam naman niyang flower shop 'to tapos maghahanap ng chocolate? "Wala, ijo. Pwede ba kitang kuhanan ng litrato? Isesend ko lang sa apo ko sa abroad. Humahanga iyon sa iyo." "Sure, but together with my son and my wife." Anong trip nito ni Alec? Fangirl niya yung taong pagsesendan ng picture tapos isasama niya kami? Gusto niya ba 'tong mainis? Gusto niya talaga siguro awayin ako ng mga fangirls niya. "Hindi pwede ikaw lang, ijo? Hindi kasi niya alam na may pamilya kana baka siya'y magulat. Ang kwento pa naman saakin ay single ka daw. Bawal pa man din siya magulat gawa ng kondisyon niya sa puso. Nasa hospital siya ngayon, pang cheer lang sana sa kanya. Sobrang tinitingala ka nun, ijo." Pakiusap ni Ale. "Ale, Wag mo na ho pansinin ang sinabi niya. Kuhanan mo na siya ng picture, ako na ang bahala." Pangongontra ko kay Alec dahil naawa ako dun sa apo niyang nasa hospital. "Okay lang ba sayo na kuhanan ko ng litrato ang asawa mo, ineng? Babae ang apo ko na pagsesendan ko ng litrato ng asawa mo." Akala siguro ni Ale magseselos ako. "Okay lang ho. Ako na po ang kukuha ng litrato, akin na ho ang cellphone mo." Volunteer ko nalang dahil parang ayaw ni Alec magpakuha ng picture. "Osige, ineng, ito oh. Ke gagandang lalaki ang asawa't anak mo, ineng. Ang ganda tingnan ng pamilya niyo." Sabi ni Ale habang inaabot ang cellphone niya. "Alec, isang picture lang. Dali na." Pakiusap ko sa kanya. "Just click it." Attitude naman 'tong si Alec. Gagamitin sa pag cheer ng may sakit ang litrato niya pero halata sa mukha niya ang inis. "Smile, paps." Singit ni Blaze pero inis pa rin ang makikita sa mukha ni Alec. "Ale, ito na ho. Pasensya na po kayo kung hindi nakangiti. Bihira po yan kasi ngumiti." "Okay na yan, ineng. Gusto niya talaga yata kayo isama sa litrato para sabihin sa apo ko na may pamilya na siya. Bukambibig kasi lagi ng apo si Mr. Castellano kaya gusto ko lang siya mapasaya lalo na't sa kalagayan niya ngayon." Ganun ba yun? Mukhang hindi naman ganyan ang rason ni Alec, attitude lang talaga 'tong lalaki na'to. "Sige po, ale, alis na po kami." Paalam ko na sa kanya dahil nanguna na maglakad si Alec. Pagkatapos namin mamili ng mga prutas ay bumalik na rin agad kami sa kotse. Tahimik lang kami sa loob hanggang sa makarating kami sa hospital. "Ateeee" Masayang bati ni Lily pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto kaya naman niyakap ko kaagad siya. "Tama ba yung nakikita ko? Si Mr. Castellano, andito sa kwarto ko?" Bulong ni Lily sa'kin. "Alec, Blaze, si Lily. Siya yung kapatid ko." Pakilala ko sa kanya. "Omg...H-hello, Mr. Castellano, nice to meet you po." Ayan nauutal na siya sa kilig. "How are you?" Pangangamusta ni Alec kay Lily. "Eto parang lantang gulay. Totoong tao ka ba? Ba't ang gwapo!! Mas gwapo ka pala sa personal sabi ni ate walang pinagkaiba ang itsura mo sa tv at personal." Ang daldal parang walang sakit ah. "Ayyy... Hellooo, Blaze. Sa wakas nagkita na tayo sa personal. Mas pogi at cute ka pala sa personal kaysa sa videocall hihi." Sabi niya nang mapansin si Blaze. "Hi, Tita Lily. Nice to finally meet you. We bought you your favorite flower." Blaze. "Salamat, Blaze. Ang bangooo." Lily. "Ate, hindi mo naman sinabi na dadalaw ka at kasama mo pa si Mr. Castellano at si Blaze. Sana manlang nakapag ayos ako diba." "Biglaan lang kasi nagyaya kaya hindi na kita natawagan para surprise." Natatawang sagot ko sa kanya. "Hindi mo sinabi na pupunta ka." Dire-diretsong sabi ni William sabay beso sa'kin. Hindi niya yata napansin na may ibang tao pa rito kasi nakatutok siya sa hawak niyang papel. Chart yata ni Lily ang chinecheck niya. "Who is he, mommy?" Blaze. "Ah si William, doctor at friend namin ni tita Lily." "May bisita ka pala. I'm sorry hindi ko napansin." Bakit hindi siya nagulat na tinawag akong mommy ni Blaze? Hindi ko naman sinabi sa kanya kung ano at kung saan ako nagtatrabaho. "Nice to meet you, Mr. Castellano." Sabi niya habang naglalakad sa direksyon ni Alec. Inabot niya ang kamay niya rito pero tinitigan lang yun ni Alec kaya binawi niya nalang. "I need to talk to you in private, tungkol kay Lily." Sabi ni William sa'kin. Lalabas na sana kami sa kwarto pero nang dumaan ako sa harap ni Alec ay hinila niya ako. Sumubsob tuloy ako sa dibdib niya. Anong trip nito? "Bakit, anong problema?" Inosenteng tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ang trip niya. "Just talk here. Bakit kailangan pa private?" Sabi ni Alec sa maawtoridad niyang boses. Napailing nalang si William. "Baka may sasabihin si William na ako lang dapat ang makaalam kaya dapat private." Paliwanag ko sa kanya. "I don't care sa kung ano man ang marinig ko basta dito kayo mag-usap, sa nakikita ng mga mata ko." Ang kulit naman nito ni Alec. Hindi naman ako makaalis dahil mahigpit ang hawak niya sa pulso ko. Feeling ko nga mababali na ang buto ko rito. "Bro, you're hurting her. Let her go." Niluwagan naman agad ni Alec ang pagkakahawak niya sa'kin. Hindi yata siya aware na mahigpit ang pagkakahawak niya sa'kin. "I'm sorry." Sincere naman na paumanhin ni Alec saakin. "Ano ba yung sasabihin mo, William? Malayo naman tayo, hindi tayo maririnig ni Lily." Busyng naglalaro si Lily at si Blaze. "Hindi ba sinabi ni Lily ang tungkol sa pagsusuka niya?" "Wala naman siyang sinabi, bakit?" "Well, nausea is unfortunately, a frequent side effect of chemotheraphy but hindi na kasi siya nakakakain ng maayos dahil sinusuka niya lang agad 'to. As you can see malaki ang ipinayat niya lalo." Kapansin-pansin nga ang pagiging buto't balat nalang nito. "May magagawa ka ba para hindi na siya magsuka?" Alala kong tanong. "I already prescribe her some ondansetron para ma lessen yung pagsusuka niya." "May iba ka pa bang option? Yung hindi siya mahihirapan sana." "We can try to put her on tyrosine kinase inhibitator which is more expensive but don't worry about the money. Ako na ang bahala. Yung permission mo lang ang kailangan ko. Bagong treatment lang 'to kaya hindi ko nabanggit sayo 'to noon pero mas mataas yung chances na mapahaba pa ang buhay ni Lily sa pamamagitan nito kaysa sa chemo." Para akong nabuhayan ng loob sa sinabi ni William. Malaki ang tiwala ko sa kanya kaya kahit anong isuggest niya ay sigurado ako para yun sa ikabubuti ni Lily. "Do that treatment, I will pay." Singit ni Alec. "Hindi na kailangan. Ako na ang bahala. Lalo lang magtatagal sayo si Kai dahil magkakaroon nanaman siya ng utang na loob sayo." Argumento naman ni William. "So gusto mo sayo siya magkakaroon ng utang na loob? We'll never know kung ano ang hihingiin mong kapalit sa kanya balang araw kaya I'll pay. I don't trust you." "Kung meron mang pagkakatiwalaan si Kai sa ating dalawa, sigurado akong ako yun." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil nagbabangayan sila kung sino ang magbabayad. "Ako ang magbabayad, okay?!" Awat ko sa kanilang dalawa. "I really need to talk to you in private, Kai. Puntahan mo ako sa office ko." Pakiusap sa'kin ni William sabay lumabas na. Badtrip siya. "I'll come with you." Sabi ni Alec nang tanggalin ko ang pagkakahawak niya sakin. "Private nga 'diba? Saan yung privacy dun kung sasama ka?" "Tsk. Wala akong tiwala sa lalaking yun. Stay away from him. Kung kinakailangan ilipat ko ng hospital ang kapatid mo, I'll do it." "Kung wala kang tiwala sa kanya, ako meron. Kaibigan ko yan, siya yung nandyan samin ni Lily noong panahong wala kaming masandalan kaya hindi ko siya pwedeng layuan dahil lang sa gusto mo." Inis kong sabi sa kanya tapos tinalikuran na siya. Sumama lang yata siya dito para bantayan ang kilos ko. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? I saw the viral video at hinihintay kitang sabihin sa akin pero wala." Bungad na tanong ni William pagpasok ko sa opisina niya. Alam ko ang tinutukoy niya. "Ayaw ko naman sana pero wala na akong mahanap na ibang trabaho." Paliwanag ko sa kanya. "Sinabi ko na sayo wag mo na alalahanin ang bills niyo dito sa hospital. Ang laking responsibilidad ang pinasok mo, Kai at kay Castellano pa talaga!" Ngayon ko lang nalaman na marunong palang magalit si William nang ganito. "Diba sinabi ko na, hindi pwedeng hindi ako ang magbayad ng bills ni Lily. Kapatid niya ako at responsibilidad ko yun kaya wag mo ako tanggalan ng karapatan!" Nataasan ko siya ng boses sa sobrang inis. "I'm sorry, I'm just jealous. Magkasama kayo sa iisang bahay and I don't know kung ano ang nangyayari sa inyong dalawa." Hindi naman kami bakit ganyan siya kung magselos? "Anong ibig mong sabihin? Na binibigay ko pati ang katawan ko sa kanya?" "Wag mo sana akong mamasamain, Kai. I mean babae ka at lalaki siya. Tingnan mo naman kung makabakod siya sayo akala mo naman pagmamay-ari ka niya. Kung gusto mo talaga magtrabaho, bibigyan kita ng pwesto dito sa hospital. Wag ka lang sa kanya magtrabaho." "Walang nangyayari, William. Madumi lang yung pag-iisip mo. Pareho niyo akong hindi pagmamay-ari kaya wag niyo akong diktahan na parang wala akong karapatan na magdesisyon para sa sarili ko." "Gusto ko lang malaman kung okay ka. Na kung wala siyang ginagawang masama sayo. Hindi ka niya ginagamit for his own pleasure. You know, hindi ka niya tinitake-advantage." "After all lalaki pa rin siya at hindi lang basta lalaki, si Castellano yan. I'm just worried baka may ginagawa siya sayo na labag sa loob mo. Hindi ka lang makaalis sa kanya dahil nga wala kanang choice. Kilala ko si Castellano, alam ko kung ano ang kaya niyang gawin." "Inshort iniisip mo na ginagamit niya ako ganun ba? At sa tingin mo magsstay ako dun kung alam kong inaagrabyado niya ako?" "Salamat sa pag-aalala pero maiksing panahon ko palang na kilala ko si Alec, alam kong hindi siya ganyang tao. Kung pinapunta mo ako dito para pag-usapan ang ganyang bagay mabuti pa nga siguro na bumalik nalang ako doon." "Hey, wait. I'm really sorry. Wala akong masamang ibig sabihin, nag-aalala lang talaga ako." Mukha namang sincere siya sa sinabi niya. "Ayoko lang na parang iniisip mo na ganun akong klaseng babae na papayag nalang basta-basta dahil lang siya si Mr. Castellano." "Alam kong hindi ka ganun. Malaki ang tiwala ko sayo pero sa kanya wala. Hindi ka naman ba niya binablackmail o pinagbabantaan?" "Bakit niya naman gagawin yan?" Pinagbantaan ako dati ni Alec pero dahil lang naman sa misunderstanding yun. Bakit pakiramdam ko kilala niya na si Alec, matagal na? "Never mind. Pasensya kana kung umaasta ako na parang boyfriend mo, ayaw ko lang na bumalik ka sa kanya. I think hindi nalang pagkagusto ang nararamdaman ko sayo kundi pagmamahal na." "Bumalik?" Naguguluhan kong tanong kay William. "I mean wag kana bumalik sa bahay niya. Dito ka nalang magtrabaho. I love you, Kai. I may sound insecure but I know he's way better than me at hindi malabong makuha ka niya sa'kin." "May kontrata kami, William. Hindi ako pwedeng basta nalang umalis dahil sa gusto mo. Galit ka kay Alec dahil umaasta siyang parang pagmamay-ari niya ako pero sa ginagawa mong yan parang wala ka na ring pinagkaiba sa kanya." "Next time na pag-uusapan pa ulit natin ang mga maseselan na bagay, magagalit na talaga ako sayo, William. Hindi ko gusto na may madumi kang iniisip samin ni Alec. Nagtatrabaho lang ako sa kanya, walang namamagitan saaming dalawa." "I'm really sorry, Kai." Paumanhin niya sabay hawak sa kamay ko. "I admire you kasi sobrang open mo sa nararamdaman mo sa'kin, hindi ka nagdadalawang isip na sabihing mahal mo ako and I really appreciate your feelings towards me pero sa ngayon ang pagiging kaibigan mo lang talaga ang kaya kong ibigay sayo." Binitawan niya ang kamay ko at tumalikod sa akin. Nakatalikod siya pero ramdam ko ang kakaibang presensya niya. "William..." Tawag ko sa pangalan niya. "I know, Kai. Tara bumalik na tayo dun." Pilit ang ngiting binigay niya sa akin. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni William ay sabay na rin kaming bumalik sa kwarto ni Lily and hulaan niyo kung sino ang mga nandito? Yung tatlong kaibigan lang naman ni Alec. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila rito pero may kasama silang isang babae na hindi ko kilala. Maganda at sexy. "Kaya naman pala badtrip ang isang Mr. Castellano, nakalusot pala sa bakod niya si Kai." Si Damon. "What are you doing here?" Galit na tanong ni William sa babae. Magkakilala sila? "Para magtrabaho. Hinire ako ni Mr. Castellano para maging caregiver ng kapatid ng asawa niya." Sagot ng babae. "She is not his wife. Let's talk." Hila niya dun sa babae. "Sino naman yun, Alec?" Takang tanong ko sa kanya. "I don't know who the hell is she. Why are you asking? Are you jealous?" Hinire niya pero hindi niya kilala? "Masama bang magtanong? Selos agad?" Magtatanong-tanong siya kung nagseselos ako tapos siya din ang magagalit. Minsan hindi ko rin talaga matansya 'tong ugali ni Alec. "Ganito kasi yan, Kai. Narinig ni Boss A na may kausap ka sa cellphone mo na naghahanap ka ng mag-aalaga sa kapatid mo kaya itong si prince charming mo ay inutusan kaming maghanap ng caregiver sa mga agency. Tapos ang siraulong Damon na'to ay nauna na pala dito at yung babae na yun ang bitbit niya. Ang ending yung nahanap namin ni Draco ay pinauwi nalang namin." Paliwanag ni Boris kaya pala andito sila lahat. "Nicole ang pangalan niya. Ang sabi kasi sa agency mamili ako kung sino ang gusto ko pero wag ka mag-alala, Kai. Hindi lang maganda at sexy yun dahil sabi ng agency siya ang pinakamaalagang empleyado. Parang gusto ko na nga rin magpaalaga." Si Damon. "Ate, sino siya?" Tukoy ni Lily kay Draco na tahimik lang nakasandal sa isang sulok. "Si Draco, bakit?" Takang tanong ko kay Lily. "Hoy, Draco! Kapag gumaling ako ligawan mo ako ha." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Tiningnan ko si Draco na nagulat din sa sinabi ni Lily. "Hoy, Lilibeth! Gusto mo kurotin kita? Maghunos dili ka nga. Akala ko si Alec ang crush mo?" "Nagbago na isip ko, Ate. Siya nalang, si Draco nalang." Parang namimili lang siya sa palengke ha. "Wag mo seryosohin ang sinabi ng kapatid ko, nagbibiro lang siya." Sabi ko kay Draco. "Hindi ako nagbibiro, ate. Gusto ko talaga siya. Love at first sight ba." "Hoy, anuna, Draco, sumagot ka naman. Ligawan mo ako ha." Itong batang 'to loka-loka. "I'm older than you, Miss." Sagot naman ni Draco. "Iba talaga si Draco, lapitin ng mga bata. Wag ka mag-alala kapatid ni Kai, hindi lang ikaw ang kiddie meal na nabusted niyan, marami kayo." Singit ni Damon. "Ilang taon ka na ba? Baby face lang ako pero hindi na ako bata! Bente dos na ako." Kung wala ka lang sakit bata ka kurot ka sakin. "I'm 6 years older than you, Miss, tsaka I'm sorry hindi kita type." Seryosong sabi ni Draco. "Magiging type mo rin ako. Akong bahala. Basta wag ka mag girlfriend muna ha. Hintayin mo akong gumaling." Natatawa ako sa mga pinagsasabi ng kapatid ko. "Guys! Muntik ko na makalimutan, birthday ni Boss A ngayon kaya magcecelebrate tayo sa beach. Wag kayong mag-alala, naasikaso ko na lahat." Birthday ni Alec?? "Yey! Swimming sa beach." Nagtatalon na sabi ni Blaze. "You didn't inform us, Scheben. Nagdesisyon ka na naman para sa sarili mo." Sermon ni Alec kay Damon. "Surprise nga, Boss A, so bakit ko naman kayo iinform? Tsaka may isa pa kaming sorpresa na siguradong ikatutuwa ng puso mo, Boss A." Ano naman kaya yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD