"Baba na. Bilisan mo lang, ah?" Saad ni Raven nang ihinto sa tapat ng gate ng bahay namin ang kotse niya. Nabanggit kasi sa akin ni Raven na dapat raw ay magpalit muna ako dahil baka hindi raw kami papasukin sa pupuntahan namin kung naka-school uniform pa ako kaya dumaan muna kami rito sa bahay. "You can horn your car para pagbuksan tayo ng gate ng guards namin. Isa pa, you should come in. Hindi ka pa nakakapasok sa bahay, e ang tagal mo nang pabalik-balik rito." Saad ko at siya namang taas-kilay akong tiningnan. "Ayoko! Bilisan mo na, Owen. Anong oras na, e." Aniya kaya naman napakamot na lamang ako sa aking batok at saka bumaba ng kotse niya. "I'll be right back. Magpapalit lang ako." Saad ko saka nagmamadaling nagdoorbell sa may gate at nagsalita sa may speaker-monitor upang ipaalam

