It's already monday! Pagkagising na pagkagising ko ay nagmamadali akong nagtungo sa baba para kumain ng almusal, naunahan ko pa nga si Dad na magpunta sa dinning area. Nagtataka pa nga ito at mukha raw maganda ang naging gising ko. Of course! Excited lang kasi akong makita si Raven mamaya sa school matapos naming pumunta ng perya at manuod ng mga alitaptap kagabi. Halos hindi nga ako makatulog dahil sa sobrang tuwa kahit pa nakarecieved na rin ako ng text mula sa kaniya kagabi na nakauwi na raw siya. Saka sino ba ang hindi matutuwa kung dalawang beses mong nahalikan sa labi 'yung taong gusto mo? Syempre, wala hindi ba? Dahil nga sa sobrang kilig at tuwa ko kagabi ay hindi ako nakatulog ka-agad kagabi. Matapos kong mag-almusal, agad akong bumalik sa aking kwarto upang maligo at maghan

