"Ugh! My head hurts!" Sambit ko sa sarili ko at napahawak pa sa ulo ko matapos kong umupo mula sa pagkakahiga. Kakagising ko lang. Masyado akong nasobrahan sa alak kagabi kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit masakit ang ulo ko. Nagulpi ako ni Claw sa alak kagabi. Hindi nga nakasama si Raven kagabi para painumin ako, pumalit naman si Claw. Hays! Akmang bababa na sana ako rito sa kama nang mapansin kong may gumalaw sa gilid kaya nabaling ang tingin ko rito at nakita ang isang babaeng mahimbing na natutulog kaya halos mapatalon ako sa gulat at nagmamadaling bumaba sa kama. S-Sino 'to? Agad namang nabaling ang tingin ko sa suot ko at nakitang nakashorts pa rin naman ako kaya dali-dali akong nagtungo sa banyo upang tingnan kung may mga kamot ang likod pero wala naman. Wala rin aking

