"I know your fiance." That's the last words she told me last night. Hindi na kasi natuloy ang sasabihin niya dahil dumating na sina Claw at Ylea. Imbis na si Raven rin ang maghatid sa akin kagabi ay naging si Claw ang naghatid sa akin sa bahay dahil sinabi niyang magmamadaling araw na at kailangan na nina Raven magpahinga. Para daw madaling makauwi sina Raven, e si Claw na ang naghatid sa akin. "Mr. Royu, tulala ka!" Mabilis naman akong nabalik sa realidad at napaayos ng upo nang marinig ang malakas na boses ng guro namin. "S-Sorry, ma'am!" Paghingi ko nang pasensya at siya namang umiling at bumalik na sa pagdiscuss sa harap. "What happened? Thinking about what I told you last night?" Rinig kong tanong ni Raven kaya nabaling ang tingin kl sa kaniya. Pasimple lang pala itong nagtanon

