“So, Sir, how do you like your new look?” Nakangiting saad nitong lalaking nag-ayos sa buhok ko. Akala ko si Raven ang magpapa-ayos rito sa Salon na pinuntahan namin pero ako pala. Pinilit niya akong maupo kanina rito sa harapan ng salamin at kinausap itong lalaki para ayusan ako. Kung kanina ay natural na bagsak ang buhok ko, ngayon ay medyo nakatwo sides na. Kanina, pinatanggal niya rin ang suot kong salamin kanina para i-shave raw kuno ang lumalabas kong balbas at bigote kahit sa totoo lang ay wala pa naman akong napapansing ganoon sa mukha ko. "Y-yeah, I look great!" Saad ko matapos kong isuot ang aking salamin sa mata. Medyo hindi na ako nagulat sa itsura ng buhok ko dahil ganito rin 'yong pag-ayos ni Christy noon sa buhok ko noong unang beses akong isinama ni Raven sa bar. "I'm

