CHAPTER 28: BLOCKED "How's your vacation, hija? Did you enjoy it?" "Oo naman, mommy! First time ni Aphrodite mag-jet ski tapos banana boat!" si Clyde ang bibong sumagot para sa akin. Nilapitan ko si daddy nang bumaling si mommy sa bunso niyang anak. "Really?! Happy birthday again, Clyde! You're now twenty!" "Good evening po, dad," bati ko dahil seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. Nakakakaba! Bakit ganito ang reaksyon niya? "Travis, hi!" Nginitian ko ang lalake nang tumayo siya pero bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko sa harap ni daddy! "Dad, si Travis po. Manliligaw ko." Mula sa pagiging straight line ng pagitan ng labi niya ay ngumiti siya bago tumayo. "Finally, princess! We have met Travis a while ago. He's a good man." "Po?" sambit ko dahil sa pagkabigla. "Opo

