Chapter 12

1055 Words
CHAPTER 12: PERSONALIZED PAINT Tinutuyo ko ang basang buhok nang makalabas ako ng bathroom. Kumunot ang noo ko nang makita si Felix na kasalukuyang inaayos ang kama ko. "Bakit nandito ka pa? Si Clyde?" tanong ko sa kanya at sinundan siya ng tingin nang lumapit siya sa akin. Napalunok ako at hindi mapigilang mamangha sa itsura niya. Parang mas malakas ang niya ngayong bagong gising lang siya. Bagay na bagay sa kanya ang magulong buhok at namumungay na mga mata. Niyakap niya ang bewang ko at hinalikan ako sa pisngi. "Good morning!" Ginantihan ko ang ngiti at bati niya. "Good morning din! Kamusta ang tulog mo? Masakit pa ba ang ulo mo?" "Nah, this was the most satisfied morning I ever woke up from, Aphrodite." Tumango ako at umupo sa harap ng study table para suklayin at patuyuin ang buhok. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin pero sa kama ko siya umupo. "E, si Clyde, anong sinabi mo?" "Tinanong ko kung natutulog ka rin sa kwarto niya o siya sa kwarto mo. Sinabi niya namang 'oo' kaya tapos na ang usapan!" Muli akong tumango dahil akala ko kung ano na ang inisip ni Clyde sa amin kanina. Tumawag kasi si Travis kaya si Felix na ang nagpaliwanag. "Travis called you again a while ago. Ano? Kayo na ba agad ng kaibigan ko, Aphrodite?" "Hindi pa!" mabilis na sagot ko at sinumulang tuyuin ang buhok ko. "Crush ko pa lang naman siya. Gusto ko pa siyang makilala." "Hmm," sagot niya at tumayo. "Ako na," alok niya at kinuha sa akin ang blower at tinulungan akong patuyuin ang buhok ko. Napangiti ako at hindi napigilang tuksuhin siya. "Ang sweet mo naman! Bumabawi ka sa mga pang-aasar at pagsusungit mo sa akin no'n, ano?" "Tsk! Bumabawi lang ako kasi pinatulog mo ako rito. Mamaya, dito ulit ako." Mabilis namang kumunot ang noo ko at umayos ng upo nang suklayin niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. "Ha? Para saan pa 'yong kwarto mo? Gusto mo palit na lang tayo?" "Basta, pupunta ulit ako rito mamaya," pagtapos niya sa usapan na iyon. "Are you blonde?" "Bakit? Tumutubo na naman ba ang buhok ko?" tanong ko at kinuha ang hand mirror para tignan ang tuktok ng buhok. "Really? You are blonde and you have a natural blue eyes. Saan ka nanggaling, Aphrodite?" parang manghang-mangha siya. "Namana ko lang kay pappa. Full blodded Swedish siya." "I see! Damn, I want to see you blonde!" rinig kong bulong niya. "Ayaw ko nang ibalik 'yong dating buhok ko. Mas sanay na ako dito sa black." Hinaplos ko pa ang buhok ko nang matapos niya iyong tuyuin. Itinaas ko iyon at pinusod bilang high ponytail. Nang matapos ay nag-hair spray ako para malinis tignan. Si Felix, nanonood lang siya sa akin. "Tara na, kain na tayo sa baba," anyaya ko sa kanya at tumayo. Tahimik naman siyang tumango at tila may malalim na iniisip. Hinayaan ko na lang siya at kaagad na binati ang mga magulang nang makitang makakasabay ko na naman sila sa breakfast. "How are you, hija? Feeling better now?" nag-aalalang tanong ni mommy. "Opo." Nginitian ko pa siya para iparating na talagang ayos na ako. "Good!" Sunod ay binalingan niya si Felix na katabi ko na naman. "How about you, son? Aren't you going for work today?" "Wala pa ako sa mood. Mamaya siguro o bukas na lang." "Take a leave and relax. 'Wag mong masyadong ini-stress ang sarili mo sa trabaho, hijo. You're already on the top. Give yourself a break," paalala ni daddy sa kanya. Top? Siguro successful na talaga si Felix. Halata sa awra niya. Gusto ko ring maging succesaful balang araw! "I want a family trip." Lahat kami ay napatingin sa kanya. "Let's go somewhere when you are all free." "Kailan ba ang bakasyon ninyo, Aphrodite, Clyde?" tanong ni mommy sa amin. "'Di ko alam, mom." Pagkatapos ay bumaling siya sa akin. "Kailan nga kasi ang Finals natin?" "Next month pa po," sagot ko. "Okay! Mom, dad, I hope you can give way a couple of day next month for our vacation," ani Felix sa mga magulang niya. "Sure, hijo!" "I can't wait! This will be the first time we will travel as a complete family!" excited pang dagdag ni mommy sa sagot ni daddy. Napangiti ako at na-excite rin. Saan kaya kami pupunta? Malaki ang ngiti ko nang sabay kaming pumasok ni Clyde. Ibang-iba kumpara kahapon. "Hi, Aphrodite!" Binati ko pabalik ang ilang bumati sa akin. Nakita ko ang pag-awang labi nila naparang hindi sila makapaniwala sa ginawa ko. Well, hindi naman ako snob dati. Nginingitian o tango lang ang isinasagot ko sa kanila. Pero iba ngayon! Sobrang saya ko dahil una, bati na kami ni Felix, napapadalas ang family quality time naming lima, at mayroon akong hinihintay na mangyari next month! Hindi natuloy ako makapaghintay! "Ms. Saavedra!" "Good morning, sir!" masayang bati ko kay Travis nang makasalubong ko siya papunta sa elevator. "Mukhang okay ka na, ah? That's nice!" Mas lalo akong napangiti. "Thank you ulit sa kahapon." Sabay rin kaming pumasok nang bumukas ang elevator. Saktong walang ibang tao dahil maaga pa kaya nakapag-usap pa rin kami. "May ibibigay pala ako sa 'yo..." panimula ko nang maalala iyong painting na ginawa ko sa kanya at kinuha iyon sa bag. Hinarap ko siya at inabot iyon sa kanya. "Ang tagal ko na dapat ibibigay 'yan kaso ngayon lang." Inipit ko ang ilang hibla ng mahabang buhok sa likod ng tenga ko nang buksan niya iyon habang naroon pa rin ang ngiti niya. "Wow!" Nag-angat siya ng tingin sa akin at parehong lumawak ang ngiti namin. "You are really great at painting, Aphrodite. Kailan ka nagsimulang gumawa ng ganito?" "No'ng thirteen ako. Naging hobbie ko na siya. More on sceneries ang mga ginagawa ko. Sa iPad, nagve-vexel art din ako. Pero hindi ko pa kaya ng portrait. Gusto ko nga sanang aralin kaso walang time," masayang pagki-kwento ko sa kanya at may naalala. "Chibi arts din pala. Noong birthday ni Kuya Felix, niregalohan ko siya ng white hoodie tapos nilagyan ko iyon ng paiting." "Really, wow, ang effort mo naman pala! Alam mo may white hoodie rin si Felix na pinagmamayabang niya sa amin dati. Sabi niya regalo ng girlfriend niya. Parang personalized paint din 'yon." "Girlfriend? Anong design?" kuryosong tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD