CHAPTER 44: FOREVER Pinagpatuloy na namin ang pagligo. Pati pagbihis ay ginawa niya rin sa akin. Sabagay, damit niya naman iyong gamit ko. Binuhat niya pa ako nang matapos at marahang pinaupo sa kama. "I'll just get the parcel," paalam niya at hinalikan ang noo ko. Pinanood ko siyang lumabas ng kwarto bago ko kinalas ang pagkakatali ng maikli kong buhok. Napangiti ako dahil masaya ang puso ko ngayon. Pakiramdam ko, hindi ako magiging ganito kasaya kung hindi ko nakita si Felix kanina. Sinuklian ko ang ngiti niya nang makita siya at napatingin sa kamay niyang may hawak na paperbag at tubig. "Take your pills then let's sleep," aniya at ibinigay ang laman ng paperbag sa akin. Binasa ko muna ang instruction no'n bago ako uminom dahil first time ko sa gano'n. "Tomorrow, let's meet an

