CHAPTER 10 Erra's POV Tahimik ang paligid habang hawak ko ang plato ng cake. Nasa poolside kami ni Nosgel, at ang simoy ng hangin mula sa tubig ay nagbibigay ng malamig na pakiramdam. Simple lang dapat ang gabing ito—relaxing, walang iniisip. Pero hindi ko mapigilang itanong sa kanya ang bagay na matagal nang bumabagabag sa akin. “Nosgel,” simula ko, nakatingin ako sa cake na hawak ko, “mahal mo ba talaga ako?” Nagulat siya. Kitang-kita ko sa mukha niya ang hindi inaasahang tanong. Napatigil siya sa pagsubo ng cake, at parang nag-isip nang malalim. Tahimik. Parang ang tagal bago siya kumilos. Hindi ko agad inalis ang tingin ko sa kanya, hinintay ko ang kanyang sagot. Pero habang tumatagal ang katahimikan, lalo akong kinakabahan. "Siyempre naman," sagot niya, pero halata sa boses niya

