Jenyfer “Alisin niyo na 'yan sa harapan ko. Kayo rin umalis din lahat sa harapan ko.” Utos n'ya sa mga tauhan kaya agad din nagsikilos ang mga tauhan niya. Nang ako naman ay lalakad dahil pinaalis niya lahat sa harapan niya nagtaka siya. "Jenyfer, saan ka pupunta?" "Masunurin ako. Sabi mo lahat umalis sa harapan mo. Rhys, hirap mong intindihin," Hindi n'ya ako pinansin dahil sa mga tauhan n'ya lang siya nakatingin. Hinila papalayo ng tauhan n'ya ang mga lalaki. Sumisigaw pa ito humihingi ng tawad sa kaniya ngunit matigas ang mukha ni Rhys, dedma lang niya ang pakiusap ng lalaki. Walang bakas na awa sa kanyang mata. Pagkaalis nila kami na lang ni Rhys ang naiwan. Hind ako makatingin ng tuwid sa kaniya pero alam ko sa akin siya nakatitig kaya itong dibdib ko abnormal na ang t***k, ewan k

