Jenyfer Sa malaking mall kami pumunta. Lahat ng mga nakasalubong namin napapatingin kay Rhys at may paghanga sa kanilang mata. Paano ba naman ang g’wapo kaya ni Rhys. Nakasuot siya ng maong na jacket, black shirt sa loob at may suot pang shades kahit nasa loob lang naman kami ng mall. Para siyang artista o mas bagay siguro sabihin na para kaming artista na dalawa at kami ang bida ni Rhys. Iyon nga lang itong si Rhys, dedma lang siya sa mga saleslady. O talaga lang sanay siya sa ganitong scene. Kaya balewala na lamang sa kaniya kung mayroon natulala sa ka-pogian niya. Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya habang nakahawak ako sa strap ng maliit kong bag. Hindi ko maiwasang ma-overwhelm kasi bago ito sa akin. Kaya ko naman bumili sa ganitong mall ng damit, pero hindi ko lang ginagawa dah

