Jenyfer "Ako?" tinuro ko pa ang sarili ko sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin akala n'ya nagbibiro ako sa kaniya. "Mayroon ka bang nakikita na ibang babae rito?" seryoso n'yang sagot at walang kangiti-ngiti sa labi n'ya. Hindi rin ako magpapatalo sa kaniya para kapag na-stress siya sa 'kin. Malay naman maisip niya na lang pauwiin kami ng pamilya ko. "Aba malay ko bang bakla ka, kasi nagtatago ka sa mga tauhan mo ngayon ka lang lumabas....ahehehe nagbibiro lang ako masyado naman 'to seryoso," wika ko agad dahil nakita ko kinasa n'ya ang baril na hawak n'ya ayaw ko naman maagang mamatay marami pa akong pangarap sa buhay. Nanginginig ang boses ko. “K-kasal? W-wala na bang ibang pagpipilian. Sana sumubok ka sa iba baka pumayag sila. Kasi ako marami pa akong pangarap ayaw ko pa mag-asaw

