Jenyfer Pagdating namin sa bahay halos mapatalon sa tuwa ang dalawa kong kapatid pagkakita nila sa akin. Nasa labas kasi sila ng bahay pagbaba ko ng kotse ni Rhys. Inunahan ko na bumaba si Rhys nang maayos n'ya ang pag-park ng kotse niya. “Nanay! Nandito po si Ate!" sabay pa nila sigaw ng dalawa kong kapatid at pagkatapos nag-unahan sila tumakbo patungo sa akin. Hindi ko na pinansin si Rhys, na salubong ang kilay pagkalabas n'ya ng sasakyan dahil iniwan ko. Sa halip mabilis akong lumakad upang salubungin din sina Dawn at Raysa. Ang bunso kong kapatid na si Raysa agad akong dinamba ng yakap kaya masaya akong nakangiti dahil miss ko na rin sila talaga. “Ate Jenyfer…. waah namiss kita sobra,” tili pa nito kumalas ng pagyakap sa akin at pagkatapos hinawakan ang magkabila kong kamay ko at s

