THIRD PERSON POV
Nakataas ang isang kilay ni Maureen habang nakatitig kay Enrique na nakaupo sa katapat niyang upuan sa dining table.
Maureen: Saan ka galing?
Umiwas ng tingin si Enrique at ibinaling ang paningin sa mesa.
Enrique: Sa-sa gym.
Nag-eye-roll si Maureen at pumalatak.
Maureen: Sa gym mo mukha mo, Enrique. Hinihingal ka when I called you earlier.
Kumamot sa batok nito si Enrique.
Enrique: O-Of course, na-nag-exercise ako, eh.
Humugot ng malalim na paghinga si Maureen.
Maureen: Ayaw mong umamin, ah.
Nagulat si Enrique nang biglang tumayo mula sa pagkakaupo si Maureen. Nilapitan ni Maureen si Enrique at sininghot-singhot ang katawan nito. Umiiwas si Enrique sa ginagawang pagsinghot-singhot ni Maureen dito.
Maureen: I can smell it on you. Likido na mula sa pagtatalik. Hindi ka man lang nag-shower pagkatapos mong humarot.
Pagkasabi niyon ay binatukan ni Maureen si Enrique. Si Enrique ay masama ang tinging nilingon si Maureen.
Enrique: Anong magagawa ko? Nangailangan ako, eh.
Pinandilatan ng mga mata ni Maureen si Enrique.
Maureen: Nangailangan? Eh, 'di sana pinaglaruan mo na lang 'yang alaga mo. Enrique naman. Ang sabi mo ay hindi ka na ulit magloloko kay Kitten pagkatapos nang nangyari noon. Huwag na nating isama 'yong kissing moment ninyo ni Yessa kasi nga sabi mo, hindi ka naman nag-respond sa mga halik niya.
Naiinis na kinamot ni Enrique ang ulo nito.
Enrique: Ang kulit mo naman, eh. Under influence of alcohol nga ako noong hindi sinasadyang magtaksil ako kay Kitten.
Lalong nandilat ang mga mata ni Maureen.
Maureen: Eh, 'di mas malala 'yong ginawa mo ngayon. Kasi ngayon hindi ka under influence of alcohol. Nasa huwisyo ka na nakikipagtalik sa ibang babae.
Tumingala si Enrique at nagbuntung-hininga.
Enrique: Are you going to tell Kitten?
Tiningnan ni Maureen si Enrique na parang sinasabi niyang nababaliw na ito.
Maureen: Of course not. Eh, 'di lalong lumayo si Kitten sa iyo.
Dumiretso ng upo si Enrique.
Enrique: Sigurado ba tayong iyong paghalik ni Yessa sa akin ang dahilan kung bakit umalis si Kitten sa malaking bahay nila at maisipang tumira sa Daddy niya?
Nagkibit-balikat si Maureen.
Maureen: Wala akong naiisip na ibang dahilan kung bakit gusto munang lumayo ni Kitten. Though hindi naman ganoon kalayo rahil nasa malapit lang siya. More like umiwas siguro.
Tumingin si Maureen kay Enrique.
Maureen: At saka wala akong nababalitaang problema niya sa malaking bahay ng stepfather niya. Okay naman siya sa Mommy niya at sa stepfather niya. I should know dahil ako ang una niyang sinasabihan ng mga bagay tungkol sa kanya.
Tumingin sa kawalan si Enrique.
Enrique: Naisip ko lang kasi kung gusto talaga niya akong iwasan, pwede naman niya akong iwasan nang hindi umaalis ng malaking bahay nila.
Kumunot ang noo ni Maureen. Na-realize niyang may point si Enrique. Niyuko niya si Enrique na nakaupo at tumingala naman ito sa kanya.
Maureen: So, ano ang ibig mong sabihin?
Nagkibit-balikat si Enrique.
Enrique: I don't know. Hindi kaya may iniiwasan siya sa malaking bahay?
Tuluyan nang napaisip si Maureen. Posible ang sinasabi ni Enrique. Pero ayaw muna niyang isipin iyon sa ngayon. May kailangan pa siyang sabihin kay Enrique.
Lumakad pabalik si Maureen sa pwesto niya sa katapat na upuan ni Enrique sa dining table. Iniabot niya kay Enrique ang brown envelope na inilapag niya sa mesa kanina.
Maureen: Buksan mo iyan at tingnan mo ang nasa loob.
Tiningnan muna ni Enrique si Maureen bago binuksan ang brown envelope. Kinuha nito mula sa loob ng envelope ang mga larawan ng isang lalaki na halatang lahat ay kuha sa panakaw na paraan.
Puno ang mga mata ng kuryosidad nang muling tumingin si Enrique kay Maureen.
Enrique: Sino 'to?
Itinaas pa ni Enrique ang mga larawan.
Nagbuntung-hininga si Maureen.
Maureen: Siya ang Daddy Marcus ni Kitten. Marcus Quijano. Kung naaalala mo, pinaimbestigahan ko ang Daddy ni Kitten nang malaman kong sa apartment ng kanyang Daddy siya tumuloy matapos umalis sa malaking bahay ng stepfather niya.
Tumango-tango si Enrique. Maya-maya ay lumabi.
Enrique: So pinagmadali mo ako para rito?
Humugot ng malalim na paghinga si Maureen.
Maureen: At siya rin ang ama ni Crisanto.
Nanlaki ang mga mata ni Enrique sa narinig.
Enrique: A-ang Daddy ni Kitten ang na-nakabuntis sa iyo?
Pikit ang mga matang mabagal na tumango si Maureen.
Enrique: Woah! Eh, 'di ba wala kang balak ipaalam sa ama ng bata na nagkaanak kayo? Eh, paano kung magkita kayo niyan? Hindi malabo rahil best friend mo ang anak niya.
Napakagat-labi si Maureen na parang kinakabahan.
Maureen: Naisip ko na 'yon. Kaya nga parang gusto ko nang huwag ituloy ang plano natin. Kaso iniisip ko na taon na ang binilang natin para ngayon pa tumigil.
Nagkibit-balikat ulit si Enrique.
Enrique: Well, para sa akin ay okay lang naman kung ititigil na natin.
Nanlaki ang mga mata ni Maureen sa sinabi ni Enrique.
Maureen: What? Okay lang sa iyo na mapunta sa wala ang pinaghirapan mo?
Hindi makapaniwala si Maureen na parang balewala lang kay Enrique ang mga pinaghirapan nila.
Muling nagkibit-balikat si Enrique.
Enrique: Well, naging masaya naman akong kasama si Kitten. Sa maniwala ka o hindi, I truly care for her at kailanman ay wala akong intention na saktan siya despite the nature of our plans. Hindi siya mahirap mahalin. So kung maisipan mong hindi na natin tapusin ang plano, masasabi kong hindi naman ako talo sa huli.
Natahimik si Maureen dahil sa mga sinabi ni Enrique. Biglang naisip kung para saan ang ginagawa nila.
Si Enrique naman ay iniisip ang babaeng kaulayaw kanina. Si Maxine, ang ina ng girlfriend na si Kitten.
----------
MARCUS' POV
Pasipol-sipol ako ngayon habang naglalakad at nasa aking tabi si Rowena, my loves. Sinundo ko lang naman siya ngayon sa school na pinagtatrabahuan niya. Walking distance lang ang school sa lugar kung saan kami nakatira kaya nilalakad lang namin. Bitbit ko ang ibang gamit niya na nasa paper bag. Gusto ko rin sanang bitbitin ang bag niya kaso tumanggi siya.
Rowena: Good mood ka yata ngayon. Pasipol-sipol ka pa.
Nilingon ko si Rowena, my loves at nginitian. Ngumiti rin siyang pabalik. Grabe. Ang ganda talaga ng Rowena, my loves ko. Ang sarap halikan.
Marcus: Para namang hindi mo alam na laging maganda ang mood ko basta ikaw ang kasama ko.
Pabiro ko pang binunggo ng aking kanang braso ang kaliwang balikat ni Rowena, my loves. Tumawa siya na napakasarap pakinggan. Mahahalikan ko talaga 'to.
Rowena: Sus. Nambola ka pa. Pero sige, pagbibigyan kita kasi nanliligaw ka sa akin. Ganyan kayong mga lalaki. Puro matatamis na salita ang lumalabas sa mga bibig ninyo kapag nanliligaw.
Nakita kong namula ang mga pisngi ni Rowena, my loves. Papahalik na 'yan.
Marcus: Kunwari ka pa. Tingnan mo nga, namumula ang mga pisngi mo.
Bigla namang na-conscious si Rowena, my loves at itinutok ang tingin sa dinaraanan namin. Maya-maya ay may itinanong siya.
Rowena: Kumusta pala 'yong pag-a-apply mo sa Yessa's Sweets Shop? Natanggap ka ba, if you don't mind me asking?
Nang marinig ko iyon ay pinalungkot ko ang aking mukha at tumahimik. Marahil ay nagtaka si Rowena, my loves dahil matagal akong hindi sumagot kaya nilingon niya ako. Nakita niyang malungkot ang aking mukha.
Naramdaman kong hinaplos ni Rowena, my loves ang aking kanang braso.
Rowena: I'm sorry, Marcus. I didn't know.
Tumigil ako bigla sa paglalakad at hinarap si Rowena, my loves. Tumigil na rin siya sa paglalakad. Kitang-kita ko ang pakikisimpatya sa kanyang mukha. Pinipigilan ko ang aking sarili na matawa sa nakikitang anyo ni Rowena, my loves. Malungkot talaga ang mukha niya at mukhang nag-aalala sa akin. Iki-kiss ko talaga siya kapag hindi ako nakapagpigil.
Marcus: Ayaw ko nga sanang isipin kaso pinaalala mo. Kaya nga kita sinundo para makalimutan ko. Ikaw pa pala ang magpapaalala sa akin.
Sobrang lungkot ng tinig ng boses ko nang sabihin iyon. Parang naiiyak pa.
Nakita ko sa mukha ni Rowena, my loves na parang na-guilty siya. Bigla ay parang na-guilty din ako. Pero ang ganda niya pa rin kahit mukha siyang guilty. Ayos siguro kung naghahalikan kami ngayon.
Bigla ay sumigaw ako sa harapan ni Rowena, my loves.
Marcus: It's a prank!
Nakita ko pang kumunot ang noo ni Rowena, my loves at nang ma-realize kung ano ang ibig kong sabihin ay biglang pinaghahampas niya ang braso ko gamit ang kanyang kamay. Tawa lang ako nang tawa.
Rowena: Kahit kailan nakakainis ka.
Namumula ang mukha ni Rowena, my loves at nagpatuloy sa paglalakad. Humabol ako at inakbayan siya.
Marcus: Sorry na. Biro lang 'yon. Huwag ka nang magalit kahit ang ganda mo pa rin kapag galit ka.
Lumingon sa akin si Rowena, my loves. Ang sama ng tingin sa akin. Parang mas nate-tempt pa akong halikan siya.
Inalis ni Rowena, my loves ang bisig ko mula sa pagkakaakbay sa kanyang balikat.
Rowena: Tsansing 'yan.
Nagpatuloy ulit kaming maglakad.
Marcus: Ikaw nga 'yong tsumansing sa akin. Pinaghahampas mo ako.
Lumingon sa akin si Rowena, my loves at kumindat ako sa kanya. Nagbuntung-hininga siya at ngumiti.
Rowena: So natanggap ka, tama?
Tumango ako habang nakangiti kay Rowena, my loves. Ngumiti rin siyang pabalik. Ito na talaga. Hahalikan ko na siya.
Marcus: Kaya nga kita sinundo ngayon ay para ibalita sa 'yo.
Tumaas-baba pa ang aking mga kilay habang nakangiting nakatingin kay Rowena, my loves.
Rowena: Congrats, Marcus. Paniguradong matutuwa ang anak mo.
Nakangiti akong tumango.
Marcus: Salamat. Wala bang kiss diyan? Dapat may kasamang kiss 'yong congratulations mo.
Ngumuso ako kay Rowena, my loves at tinapik niya lang ang aking kaliwang pisngi.
Rowena: Malapit na tayong makauwi. Tumigil ka.
Pagkasabi niyon ay tumawa ng malakas si Rowena, my loves. Napailing na lang ako. Kaya mas lalo ko siyang nagugustuhan dahil kakaiba siyang babae.
Oo. Natanggap ako bilang delivery boy ng may-ari ng Yessa's Sweets Shop. Kaso naguluhan ako sa huling sinabi ng owner na si Yessa bago ako umalis kanina.
"Thank you, Mr. Quijano. My soon-to-be personal driver."
Hindi na ako nag-react nang sinabi ni Yessa iyon. Pwede namang nagbibiro lang ito.
Ang mahalaga ay may isa pa akong trabaho ngayon maliban sa trabaho ko sa construction site.
----------
itutuloy...