MARCUS' POV
Iniisip ko pa rin hanggang ngayon dito sa construction site ang mga nangyari sa pagitan namin ng aking boss na si Yessa kahapon.
Nagpadala ako sa tuksong hatid ni Yessa.
Sinabihan ko na ang aking sarili na magparaos sa kamay nitong mga nakalipas na araw para mabawas-mabawasan naman ang bigat at ang laman ng dalawang itlog na nasa pagitan ng aking mga hita.
Pero masyado akong naging busy nitong mga nakaraang araw dahil sa trabaho at sa pagdating at paninirahan ng aking anak na si Kitten sa aking apartment unit.
Pwede ko namang gawin iyon habang naliligo pero hindi ako sanay na nagmamadali at hindi nagko-concentrate habang ginagawa ang bagay na iyon.
Kailangan doon ay full concentration para maging masarap at matiwasay ang pakiramdam oras na sumabog na ang aking mga likidong nagbibigay buhay.
At saka hindi ko gusto ang ideyang paglalaruan ko ang aking alaga sa loob ng banyo at may posibilidad na marinig ako ng aking anak.
Ano na lang ang iisipin ni Kitten?
Na gumagawa ng kahalayan at kababuyan ang ama nito habang naliligo sa loob ng banyo at walang pakialam kung marinig man nito ang milagrong ginagawa ng ama?
Hindi ako makakapayag na muli na namang lumayo ang loob ng aking anak sa akin dahil lamang sa hindi ko mapigilan ang libog ng aking katawan.
Gusto ko namang isipin ni Kitten na nirerespeto ko ang presensya nito sa loob ng aking bahay.
Kailangan kong maipakita kay Kitten na karapat-dapat ako sa respeto nito bilang ama nito.
At kung paglalaruan ko ang aking alaga sa loob ng banyo o sa loob ng aking kwarto habang nasa poder ko si Kitten ay siguradong hindi ako makakapag-ani ng respeto mula sa aking anak.
At dahil nga parang sasabog na ang aking dalawang malaking bola sa pagitan ng aking mga hita rahil sa naparaming naimbak na likido sa loob ng mga ito kaya naging mahirap para sa akin ang tanggihan ang panunukso ni Yessa kahapon.
Sadyang mapusok ang mga halik ni Yessa sa aking mga labi.
Nakadadarang.
Nakakaakit.
Nakakapaso.
At nagpadala ako sa maiinit na mga halik na iyon ni Yessa hanggang sa umabot kaming dalawa sa puntong nagkikiskisan na ang aming hubo't hubad na mga katawan.
At nang akmang ipapasok ko na ang aking malaking alaga sa loob ng walang-dudang napakainit na hiyas ni Yessa ay isang napakagandang mukha ang biglang pumasok sa aking isipan.
Si Rowena, my loves.
Si Rowena, my loves ang nagligtas sa akin para huwag ako tuluyang lumubog sa kumunoy ng pagnanasa na aking naramdaman kay Yessa kagabi.
Dahil sa napakagandang mukha ni Rowena, my loves sa aking isipan ay nanumbalik ako sa aking huwisyo.
Ipinaalala ng kagandahang iyon ni Rowena, my loves sa akin ang aking pangakong maghihintay ako sa kanya.
Sa pagpasok na iyon ng magandang mukha ni Rowena, my loves sa aking isipan ay marahan kong itinulak palayo sa akin ang hubad na katawan ni Yessa na noon ay nakaupo na sa ibabaw ng aking mga malalaking hita.
Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Yessa nang marahan ko itong itinulak palayo sa akin.
Agad din akong lumayo kay Yessa at kahit tirik na tirik pa ang aking matabang alaga ay nagkukamahog akong tumayo mula sa pagkakahiga sa sahig ng opisina ni Yessa at hinanap ang aking mga kasuotan na nagkalat sa kung saan-saan sa loob ng opisina.
At dahil nagkalat ang aking mga kasuotan ay ilang beses akong nagpabalik-balik ng lakad sa loob ng opisina ni Yessa para hanapin at kuhanin ang mga iyon sa tuwing aking makikita.
Kaya naman ilang beses din akong dumaan sa harapan ni Yessa na nanatiling nakalupagi sa sahig habang hinahanap ko ang aking mga pinaghubarang saplot.
May isang beses pang hindi sinasadyang masagi ng aking naghuhumindig na alaga ang mukha ni Yessa rahil sa aking pagmamadali na pulutin ang aking isang kasuotan na nasa sahig.
Humingi naman ako ng paumanhin kay Yessa rahil sa pagtama ng aking mahabang alaga sa pisngi nito ngunit nakatulala lamang si Yessa matapos kong sabihin iyon.
Naalala ko pa ang mga ibinubulong ni Yessa sa hangin habang nakatulala ito at ako naman ay isinusuot na ang aking mga pinaghubarang damit.
Yessa: Why all of you are doing this to me? Iniiwan ninyo ako. Itinataboy. Why? Am I not beautiful enough? Am I not sexy enough? Am I not worthy of anyone's attention?
Para pa ngang maiiyak si Yessa habang ibinubulong sa hangin ang mga katagang iyon.
Narinig ko kasing parang nabasag ang tinig ng boses ni Yessa sa kalagitnaan ng pagsasalita nito.
May binanggit pa ngang pangalan si Yessa habang bumubulong sa hangin. Kung hindi ako nagkakamali ay Enrique ang pangalang binanggit nito.
Oo. Tama.
Naaalala ko na ang mga sinabi ni Yessa tungkol sa binabanggit nitong Enrique kagabi.
Hindi nga ako sigurado kung alam ni Yessa ang mga pinagsasasabi nito rahil nakatulala lamang ito kagabi matapos hindi matuloy ang aming muntikang pagtatalik kagabi.
Yessa: Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako ipinagpalit? Hindi mo na ba ako mahal, Enrique? Siya na ba? Ha? Siya na ba ang mahal mo?
Base sa aking narinig mula sa pagbulong-bulong ni Yessa sa hangin ay parang iniwan ito ng sinasabi nitong Enrique at ipinagpalit si Yessa sa ibang babae.
Kawawa naman si Yessa kung ganoon nga.
Mahirap kayang ipagpalit sa iba. Alam na alam ko ang pakiramdam na iyon.
Tumiim ang aking bagang nang biglang pumasok sa aking isipan ang ginawang pang-iiwan sa akin ng aking unang asawang si Maxine noon.
Ang ginamit na dahilan ni Maxine kaya ako iniwan nito ay ang aking ginawang pagkakamali noon.
Isang pagkakamaling hindi ko naman ginusto.
Isang pagkakamaling hindi ko kontrolado.
Ngunit nasisiguro kong ang totoong dahilan kung bakit ako iniwan ni Maxine ay dahil hindi ko naibigay dito ang aking ipinangakong maalwang buhay para rito.
At napatunayan ko iyon nang mabalitaan kong nagpakasal ang aking dating asawang si Maxine sa mayamang businessman na si Glenn.
Nasaktan ako rahil doon pero mas nasaktan ako rahil inilayo ni Maxine sa akin ang aming anak na si Kitten.
Ipinagpapasalamat ko pa ring hindi nagsinungaling si Maxine kay Kitten tungkol sa kung sino ang totoo nitong ama pero alam ko ring ilang beses akong siniraan ni Maxine sa aming anak na naging dahilan para lumayo ang loob ni Kitten sa akin habang lumalaki ito.
Mabuti na lamang at ngayon ay binibigyan ako ni Kitten ng pagkakataon para mapalapit dito.
Natutuwa akong hindi napunta sa wala ang aking pagsisikap na magpadala ng mga regalo, greeting cards, at mga liham kay Kitten noon kahit na nga ba bumabalik ang mga regalo at greeting cards.
Na-appreciate ni Kitten ang mga bagay na iyon na ginawa ko kaya na-realize nitong hindi ako masamang tao. Taliwas sa kung anu-anong mga sinasabi ni Maxine sa aking anak tungkol sa akin.
Kaya naman ginagawa ko ang lahat para mapatunayan sa aking anak na karapat-dapat ako sa respeto nito at isa akong mabuting ama.
Syempre hindi naman agad-agad dahil kinikilala pa namin ni Kitten ang isa't isa.
Ang ikinatutuwa ko pa ay nakagaanan agad ng loob ni Kitten si Rowena, my loves. Sinabi pa ni Kitten na gusto nito si Rowena, my loves para sa akin.
Ang makitang nagkakasundo ang dalawang mahalagang babae sa aking buhay ay nagpapataba ng aking puso.
Ang pinoproblema ko ngayon ay kung paano ko pakikiharapan sa trabaho si Yessa matapos ang nangyari sa aming dalawa kagabi.
Sana naman ay walang maging ilangan sa pagitan namin ni Yessa. Mahirap na kapag bigla ako nitong tinanggal sa trabaho.
Hindi ko pa nalalaman kung bakit parang ayaw ni Kitten na maugnay ako sa Yessa's Sweets Shop kaya naman hindi pa pwedeng mapaalis ako sa bakeshop ni Yessa.
Ngunit hindi ko rin hahayaang muling mangyari ang nangyari sa aming dalawa ni Yessa kagabi.
Kahit na hindi pa kami opisyal na magkasintahan ni Rowena ay hindi ko pa rin gustong tumikim ng ibang babae.
Para sa akin ay itinali ko na ang aking sarili kay Rowena at handa akong maghintay kung kailan siya magiging handa na pumasok sa isang relasyon.
Si Marcus Quijano ay para lamang kay Rowena Marciano.
----------
THIRD PERSON POV
Parang gustong bumalik ni Rowena sa loob ng Faculty Room nang makitang kumakaway sa kanya si Martin, ang roommate ng kanyang kapatid na si Xavier sa inuupahan nitong apartment, sa labas ng gate ng public school kung saan siya nagtatrabaho bilang isang guro.
Martin: Ate Rowena!
Pasimpleng ngumiwi si Rowena nang marinig ang malakas na pagsigaw ni Martin sa kanyang pangalan at kung makangiti ito sa kanya ay parang close na close na sila ngunit kung tutuusin ay kahapon lamang sila nagkakilala nang i-introduce ni Xavier sa kanya si Martin.
Martin: Na-miss kita, Ate Rowena!
Luminga-linga sa paligid si Rowena at pagkatapos ay mabilis na naglakad palabas ng gate ng school.
Oras na ng uwian kaya nagmamadaling lumabas mula sa Faculty Room si Rowena ngunit hindi niya inaasahang naghihintay si Martin sa kanya sa labas ng gate ng school.
Nang makalabas na ng gate si Rowena ay nginitian niya si Martin.
Martin: Ate Rowena, may dala po akong pizza. Favorite flavor niyo po. Sabay na po ako sa inyong maglakad pauwi para sabay nating makain itong pizza sa apartment unit niyo po. You know, bonding moment with my roommate's sister.
Aaminin ni Rowena na hindi siya komportable sa ginagawang ito ni Martin.
Para sa isang bagong kakilala ay parang masyado ng close si Martin kay Rowena.
Rowena: Ah, Martin, sinabi ba ni Xavier sa iyong dito ako nagtatrabaho?
Mabilis na umiling si Martin.
Martin: Naku. Hindi po, Ate Rowena. Nag-research po ako. Nakita ko po sa social media account niyo na rito kayo nagtatrabaho. Tapos may isa kayong post na photo na may bitbit kayong pepperoni-flavored pizza kaya nalaman ko pong iyon ang favorite ninyo.
Hindi alam ni Rowena kung ikatutuwa niya ang kanyang narinig mula kay Martin o hindi.
Mukhang gusto lang namang makipagkaibigan ni Martin kay Rowena pero parang may bumubulong kay Rowena na may iba pang dahilan si Martin kung bakit ginagawa ang mga bagay na iyon.
Martin: Nalaman ko ring naglalakad kayo pauwi rahil may mga tinanong na akong estudyante kanina kung nagko-commute kayo pauwi o hindi. Walking distance lang pala ito mula sa apartment mo.
May nagsasabi sa isipan ni Rowena na pagdudahan ang mga ginagawang ito ni Martin pero ayaw naman niyang pag-isipan ng masama ang roommate ng kanyang kapatid.
Rowena: Ah, Martin, I appreciate your effort. Pero okay lang ba kung sa ibang araw ka muna dumalaw sa apartment?
Nakita ni Rowena na nawala ang ngiti sa mga labi ni Martin.
Rowena: 'Yong kasama mo sana si Xavier. Iniisip ko lang ang iisipin ng mga kapitbahay kapag nagpapasok ako ng lalaking kahapon ko pa lang nakilala sa loob ng aking apartment unit.
Tumaas ang isang kilay ni Martin ngunit agad din nitong ibinaba.
Martin: Lalaki? Ah, oo. Lalaki. Oo nga pala. Teacher ka. Isa kang karespe-respetong guro sa public school na ito.
Lumingon pa si Martin sa school na pinagtatrabahuan ni Rowena.
Martin: Kailangang pangalagaan ang good image, ang magandang repustasyon ni Teacher Rowena.
Nakangiti si Martin kay Rowena pero hindi gusto ni Rowena ang paraan ng pagkakatitig ni Martin sa kanya na para siyang inuuri.
Martin: Sige. Mauna na ako.
Akmang aalis na si Martin nang maalala nito ang bitbit na box ng pizza.
Martin: Itong pizza nga pala ay hindi ko na ibibigay sa 'yo. Binili ko kasi ito para sana sa bonding moment nating dalawa. Pero rahil concerned ka sa iniingatan mong image, saka na lang kita dadalhan kapag magkasama na kami ni Xavier na dadalaw sa iyo. Okay ba 'yon, Ate Rowena?
Dahil sa pagkabigla sa mga binitiwang salita ni Martin ay napatango na lamang si Rowena kay Martin.
Nakatanaw pa si Rowena kay Martin habang pumapara ito ng jeep na masasakyan.
Napailing na lang si Rowena sa bilis ng pagbabago ng mood ni Martin at bumulong sa hangin.
Rowena: Ayaw ko sanang mag-isip ng masama pero parang may kakaiba sa taong iyon.
----------
Nakaluhod at nakayuko sa harapan ng isang lalaki si Maureen habang may dalawang lalaki namang nakatayo sa kanyang likuran.
Nakadekwatrong nakaupo sa couch ng sala ng bahay ni Maureen ang isang lalaki habang nakatunghay ito sa nakaluhod na si Maureen sa harapan nito.
Lalaki: Ano na ang magandang balita, Maureen? Hindi pa rin umuuwi ng mansyon si Kitten. Naiinip na ako.
Kalmado ang pagsasalita ng lalaki ngunit nahihimigan ni Maureen ang talim sa tinig ng boses nito.
Maureen: A-according to my hired private investigator, hi-hindi pa gustong umuwi ni Kitten sa mansyon. Wa-wala ring plano si Kitten na ipaalam sa amin ni Enrique kung nasaan siya. Ka-kaya---
Tumigil sa pagsasalita si Maureen at napahiyaw nang maramdaman ang dahan-dahang pagbuhos ng malamig na tubig sa kanyang katawan ng isa sa dalawang lalaking nasa kanyang likuran.
Nanginig sa lamig si Maureen at agad na niyakap ang sarili.
Iniangat ng lalaking nakaupo ang kanang kamay nito para patigilin ang tauhan nito sa ginagawang pagbuhos ng malamig na tubig kay Maureen.
Lalaki: Humihina yata ang pandinig mo ngayon, Maureen. Ang sabi ko ay magandang balita. Maganda ba 'yong sinabi mo? Parang pati ang utak mo ay humihina na. Ngayon mo pa ba ako bibiguin, Maureen?
Nanginginig pa rin ang katawan ni Maureen dahil sa lamig nang mabilis siyang umiling sa lalaking nakaupo.
Maureen: Hi-hindi po. Hi-hindi po, boss. Bi-bigyan niyo pa po ako ng sapat na oras. Pangako, ma-mapababalik ko rin si Kitten sa mansyon.
Ngumisi ang lalaki kay Maureen.
Lalaki: Alam mo namang uto-uto si Kitten kahit noon pa man kaya magiging madali lamang para sa iyo ang mapabalik siya ng mansyon.
Biglang tumalim ang mga mata ng lalaki sa pagkakatitig kay Maureen.
Lalaki: Alam mo naman siguro ang kapalit kapag hindi mo nagawa ang ipinagagawa ko sa iyo, hindi ba, Maureen?
Nanlalaki ang mga mata ni Maureen habang nanginginig ang katawang nakatitig sa lalaki.
Isang mala-demonyong ngiti ang pinakawalan ng lalaki.
Lalaki: Ang anak mong si Crisanto.
----------
itutuloy...