Raven Pov Napapangiti pa rin ako tuwing naaalala ko yung ginawang pagyakap sa akin ni Avery sa kotse. Sa totoo lang medyo gumaan nga ang loob ko dahil sa ginawa nyang iyon. Hindi lang pala pagsusungit ang alam nya. May kabutihan din palang taglay ang anak ni Mr. Monroe. "You look happy." Rinig kong komento ni Killian habang umiinom ng beer in can. Nandito kami ngayon sa office sa loob ng restaurant na pagmamay-ari namin at hindi ko alam kung ano ang trip ng lalaking ito. Matapos ko kasing maihatid kanina si Avery sa condo unit ni Sophia ay dito na ako dumeritso dahil may mga papeles pa akong pipirmahan. Nagyaya ngang mag'bar ang isang 'to but I immediately declined his offer kaya nagdesisyon na lang sya na dito na lang uminom. "Hmn. Hindi naman." Tipid kong sagot sakanya dahil alam k

