Avery Pov "Ang blooming natin ngayon ah.! Sino na naman kaya ang malas na lalaking nabitag ng maganda kong kapatid.?" Nanunuksong sabi ni kuya Owen pagdating ko sa living room ng bahay namin sa Alabang. "Nakakapanibago ba.? Blooming naman talaga ako everyday ah." Palusot ko habang pinipigilang huwag mapangiti. Nandito kasi ako ngayon sa bahay namin dahil kumpleto ang pamilya kapag linggo. Off muna kaming lahat sa trabaho tuwing linggo para magkaroon ng family bonding at makapag relax na din. Nandito din si Raven dahil sya ang naghatid sa akin papunta dito. Nasa labas pa ito ng bahay dahil may kausap sya sa kanyang cellphone at pina'una nya akong pumasok dito sa loob ng bahay. Sabi ko naman kasi sakanya na magpahinga na lang sya dahil nasa bahay lang naman ako kasama ang pamilya ko per

