“Ano ’tong narinig ko kay Marsing na pinag-shopping ka ni Kuya sa Solaria?!” bungad ni Cecelia sa akin sa kabilang linya ng telepono. Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko pa nasasabi kay Cecelia ang tungkol doon kahit tatlong araw na ang lumipas mula nang mamili kami ni Luther. At mas lalo akong nahihiya ngayon dahil ang suot ko ay isa sa mga damit na binili niya para sa akin. “Pasensya ka na, hindi ko pa nasasabi sa ’yo…” mahina kong sabi. Dinig ko agad ang pagtawa ni Cecelia sa kabilang linya. “Nakakagulat lang, Seraphine! That man hates shopping, lalo na pag babae ang kasama niya. Alam mo naman, we girls take forever to choose clothes. Hindi nga ako sinasamahan niyan kapag nagsho-shopping dahil ang bilis niyang mainis. Did he actually wait habang pumipili ka ng damit?” tanong niyang pun

