“Sa akin siya sasama, Manong Boy. Nasa likuran lang kami,” ani Luther habang tinapik ang gilid ng truck, pinapaalam na kami ay susunod sa sasakyan nila Marsing. Napalingon si Marsing kay Luther, tila hindi makapaniwala sa narinig. “Luther, talaga bang kaya mo?” tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo. “Kaya naman namin ito ni Manong, isasama lang naman talaga namin si Seraphine. Simula kasi nang dumating siya dito, hindi pa siya lumalabas, nakakabagot din naman dito sa hacienda kapag laging nakakulong.” Napatingin ako kay Luther. Sa totoo lang, ako rin ay hindi inaasahan na sasama talaga siya. “Ayos lang ako,” sagot niya. “Baka mamasyal muna kami. Hindi pa kasi talaga siya nakapunta sa bayan, gusto ko ring makita niyang ligtas sa labas.” Ngumiti si Marsing at tumango. “Ahhh… gano’n p

