Dalawang araw na simula nang magising si Heina. Dalawang araw na rin siyang hindi nakakapagsalita nang maayos... "Gio...?" tawag niya. Dali-dali namin siyang dinaluhan. "Heina, anong masakit sa 'yo? Ayos ka lang ba? May nangyari bang hindi maganda?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Nag-isip muna ito bago sumagot. Ang nakangiti nitong mukha ay agad naglaho. Humiga ulit siya at nagtaklukbong ng kumot. "Ayos na ako," malamig na tonong saad nito. Nagtataka man ay hindi na namin ito inistorbo at kumain. Pagkatapos ay agad kong tinawagan si Grandma upang ibalita na gising na si Heina. Sabi rin naman ng doctor na pwede na siyang lumabas kaya pagkatapos ng 2 oras ay diretso airport na kami upang umuwi. "Kumain ka ng marami, ha?" saad ko. Tango lamang ang sinagot nito at nilantakan ang

